Ai-Ai delas Alas on leaving ABS-CBN and returning to GMA: “Iba naman yung gusto kong mangyari sa buhay ko.”

Ai-Ai delas Alas on being a Kapuso again: “Masyadong overwhelming, nakapa-awesome, napaka-happy! Postive lang na talaga namang napakainit ng pagtanggap sa akin ng mga boss… napakasaya! Kagaya nga ng sinabi ko kung bakit ako naging emosyunal kanina, hindi nila ako kinalimutan na ako’y Kapuso before.”


Maayos daw ang naging pagpapaalam ni Ai-Ai delas Alas sa top executives ng ABS-CBN para sa pagbabalik niya sa GMA Network.

Pagkatapos ng 14 years bilang Kapamilya ay pumirma na ng two-year exclusive contract si Ai-Ai bilang Kapuso ngayong Martes, April 16.

Read: Ai-Ai delas Alas signs two-year exclusive contract with GMA Network

Pahayag ni Ai-Ai tungkol sa pagpapalam niya sa ABS-CBN bosses, “Ah, yes, maayos naman!

“‘Tsaka sinabi ko, 'Maraming-maraming salamat po sa labing-apat na taong pag-stay ko dito.'

"At tatanawin ko habambuhay na utang na loob yun sa ABS-CBN."

Nauunawaan ba ng mga ito ang dahilan ng paglipat niya sa GMA?

Natawang sagot ng Comedy Queen, “Oo… kasi hindi ko naman alam kung ano yung sagot nila, e!

“Yung sa totoo lang, hindi kami naman dumating sa formality na offer...”

Ang ibig sabihin ni Ai-Ai ay kung binigyan ba siya ng counter-offer ng ABS-CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press si Ai-Ai pagkatapos ng contract signing niya with GMA executives kaninang umaga, sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

DECIDING FACTOR. Matatandaang noong early 2000s ay binalak nang lumipat ni Ai-Ai sa GMA, ngunit hindi ito natuloy dahil pinigilan siya ng ABS-CBN.

Noong panahong iyon ay nasa Kapuso network pa si Ms. Wilma Galvante, dating SVP for Entertainment TV ng GMA, na malapit na kaibigan ni Ai-Ai.

Sa pagkakataong ito, ano ang naging deciding factor para matuloy na ang pagbabalik ni Ai-Ai sa GMA Network?

May halong birong sagot ng 50-year-old comedienne, “Kasi, first of all, sa buhay ko ngayon na 30 na ako… nasa kalahati na ako, so iba na yung priorities ko.

“Iba naman yung gusto kong mangyari sa buhay ko.”

Isa ba sa naging dahilan ng pag-alis niya sa ABS-CBN ay ang kawalan ng proyekto nitong mga nakalipas na taon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang huli niyang proyekto sa ABS-CBN ay ang teleseryeng Dyesebel, na natapos noong July 2014.

Sabi ni Ai-Ai, “Siguro marami pa silang mga ibang projects para sa ibang mga artista, siguro isa yun.”

Ngunit ano ang pakiramdam niya ngayong nagbabalik-Kapuso siya?

Sagot niya, “Masyadong overwhelming, nakapa-awesome, napaka-happy!

“Postive lang na talaga namang napakainit ng pagtanggap sa akin ng mga boss… napakasaya!

“Kagaya nga ng sinabi ko kung bakit ako naging emosyunal kanina, hindi nila ako kinalimutan na ako’y Kapuso before.”

Bago lumipat sa ABS-CBN si Ai-Ai noong 1998 ay siyam na taon daw siyang nasa GMA.

Kaya mensahe niya sa mga Kapuso: “I’m happy na masaya kayo, at ipagpapatuloy ko na pasayahin kayo dito sa Kapuso at sa buong Pilipinas.”

LET THE LOVE BEGIN. Isa sa mga unang proyektong gagawin ni Ai-Ai ngayong nasa GMA na siya ay ang primetime series na Let The Love Begin.

TV remake ito ng 2005 blockbuster movie nina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Sa bagong version nito ay ang mga baguhang sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia ang gaganap sa lead roles.

Pero hindi pa man ay mayroon nang isyung lumalabas na pinabago raw ni Ai-Ai ang script ng Let The Love Begin, na naging dahilan ng pag-backout diumano ni Regine Velasquez sa proyekto.

Paliwanag ni Ai-Ai, “Noong una kasi, hindi ko alam ano mga dahilan ng revisions.

“Pero talagang kasali ako dun, na pasok ako dun sa Let The Love Begin.”

Tungkol naman sa isyu kay Regine, “Hindi yata siya pumayag dun sa [revisions]… pero ako, nag-retain pa rin ako.

“I think hindi naman yata niya alam na kasama ako.”

Iginiit ni Ai-Ai na wala siyang kapangyarihan para baguhin ang script ng teleserye.

“Wala naman akong power na ganun, ‘di ba?

“Technicals na ‘yan ‘tsaka production na may hawak nun. Wala akong binabago.

“O kung meron man akong pinabago, para sa sarili ko, hindi para dun sa buong project.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban sa Let The Love Begin ay may gagawin ding talk show si Ai-Ai kasama si Ryzza Mae Dizon, isang sitcom with Vic Sotto, at isang Sunday show na ayaw pang sabihin ng Comedy Queen kung ano.

Agad namang nilinaw na ang kanyang Sunday show ay hindi ang bagong programa ni Willie Revillame na Wowowin.

Pagdating naman sa pelikula, may isa pa raw siyang gagawin para sa Star Cinema. Pero may mga nakalinya na ring pelikula na iko-co-produce niya.

KAPUSO STARS. Tinanong din si Ai-Ai kung sino pang Kapuso stars ang gusto niyang makasama.

Bukod sa crush niyang si Dennis Trillo, gusto raw siyempreng makasama ni Ai-Ai ang “kambal” niyang si Marian Rivera.

Nagkasama na sina Ai-Ai at Marian sa pelikulang Kung Fu Divas noong 2013, kaya gusto ng Comedy Queen na makasama muli ang Kapuso Primetime Queen sa pelikula pagkatapos nitong manganak.

Gusto rin daw ni Ai-Ai na makasama sa isang proyekto sa GMA ang “best friend” niya na si Eugene Domingo.

Nang tanungin naman kung anong klaseng proyekto ang gusto niya para sa kanila ni Dennis, natatawang sagot ni Ai-Ai: “Soap opera… love story, yaya niya ako!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN