Andi Eigenmann defends Bret Jackson on "user" issue; settles rift with mom Jaclyn Jose

Inamin ni Andi Eigennman na nanggaling sa ina niyang si Jaclyn Jose ang isyu na diumano’y ginagamit lang siya ni Bret Jackson para makilala sa showbiz. Pero nagkaayos na raw sila ngayon dahil ipinaliwanag ng aktres sa ina na hindi totoo ang mga nakarating ditong balita.


Nadulas ang direktor na si Joel Lamangan sa question-and-answer portion sa presscon ng pelikulang Your Place or Mine kaninang Huwebes ng tanghali, April 16.

Hindi sinasadyang ibinuking ng direktor na late na niyang nalamang may namagitan pala kina Andi Eigenmann at Bret Jackson habang ginagawa nila ang pelikula.

Ngunit sa kabila ng sinabi ni Direk Joel, hindi pa rin tuwirang inamin nina Andi at Bret ang tungkol dito.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga bida ng Your Place or Mine: Ilang buwan ba ang naging relasyon nila at paano ito natapos?

Sagot ni Andi, “Uhm, that’s a personal thing na ‘po. Basta friends kami.”

Sambit naman ni Bret, “We hang out naman.”

Ang short-lived relationship ba nila ay for fun lang?

Sagot ni Bret, “I think we found happiness in friendship.”

Matapos ang question-and-answer portion, nilinaw ulit ng PEP kay Andi ang tungkol sa naging estado ng relasyon nila ni Breat.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Kasi it's not a simple as being boyfriend-girlfriend.

"There are so many aspects right now. Yun nga, iba na yung kultura.

"So, I can’t just answer that, because the thing is… hindi na ganun ngayon.

“Wala nang ligawan, tapos magkakasagutan, tapos sasagutin niya, tapos magpapakasal kayo.

“Hindi na ganun ngayon.

“Hindi ko mabibigyan ng sagot yun. Hindi ko mai-specify.

"And I don’t think it's important.”

Sa ngayon, magkaibigan na lang daw talaga sila ni Bret.

DEFENDING BRET. Sa question-and-answer portion pa rin ng presscon, natanong si Bret tungkol sa hindi matapus-tapos na isyu ng panggagamit diumano niya kay Andi para mas makilala sa showbiz.

Idinepensa na noon ni Bret ang sarili tungkol dito.

Kanina, sinabi niyang kung ang isyu ng panggagamit ang ibabato sa kanya, bakit daw hindi ang best friend niyang si James Reid na lang ang kanyang gamitin para magkapangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasama at naging matalik na magkaibigan sina Bret at James sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010.

Read: Bret Jackson denies accusation that he's just using Andi Eigenmann

Kanina sa presscon, to the rescue naman si Andi sa ka-loveteam at rumored ex-boyfriend.

Sabi ng 24-year-old actress, “Can I actually be able to defend Bret?

“When it comes to that, I don’t think there’s any truth that he’s trying to use me.

"Andiyan naman si James, na maraming fans yun.

“We met, he was already with Viva.

"I was told that I am going to do a new movie with him. It was a coincidence po.

“And also, I don’t like to lower myself to allow someone to use me.

“I mean, I’ve already gone through so much, I don’t think I have time for that.

"And Bret is a very, very good person."

“SIGURO NANAY KO YUN.” Usap-usapan na ang nagkalat daw ng ganitong isyu laban kay Bret ay malapit kay Andi. Aware ba ang aktres tungkol dito?

Tugon ni Andi, “Pati rin naman sa akin, may nasasabi rin 'ata about me.

“And as for, yun nga po, dun sa nagsabi, I believe my family, because my friends…

"Actually, no, my friends and family, they all like Bret.”

Pagbibiro pa niya, “Siguro, nanay ko yun!”

Nag-usap na ba sila ng kanyang ina na si Jaclyn Jose tungkol dito?

Sabi ni Andi, “Sa ngayon, okay na po kami ng mommy ko.

"Matagal po kasi kaming hindi nag-usap.

"Nagkaroon po kami ng rift dahil sa paghihiwalay namin ni Jake [Ejercito].

“And marami po siyang… dahil hindi po kami in good terms, wala po kaming communication, so it's very easy for my mom to listen or believe hearsays.

“And so, we're in showbiz, so madali lang yung mga tsismis kumalat, 'di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman po ibig sabihin na totoo.

“So, at that time, sa mommy ko, kung anuman po yung sinasabi sa kanya tungkol sa akin, concern lang naman po siya sa akin.

“Yun nga, hindi rin naman niya ginusto na maghiwalay kami ni Jake.

"So, malamang, kakampi siya dun sa mga sinasabi tungkol sa kanya."

Naipaliwanag na raw ni Andi sa kanyang ina ang lahat ng tungkol sa kanila ni Bret.

“Nanay ko siya.

"I know that my mom, no matter what happens, is always after my best interest and what she believes what’s best for me.

“And so, even mali yung akusasyon niya, I did not take it against her.”

Sobrang masaya raw si Andi ngayong wala nang away sa pagitan nila ng ina.

Sa presscon din, pinabulaanan ni Andi na nagkabalikan na sila ni Jake Ejercito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN