Vice Ganda denies rift with Kris Aquino: "Kaninong addict nanggaling ‘yan?!"

Vice Ganda on rumored rift with Kris Aquino: “Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga tao, pero nakakadiri lang. Ang tanda-tanda namin para mag-away sa T-shirt… ano kami, mga bata? We share everything. Kris and I, we share everything.”


Pinabulaanan ni Vice Ganda na may “war” na namamagitan sa kanila ng matalik niyang kaibigan na si Kris Aquino.

Habang nasa Amerika si Vice for a series of shows, saka naman pumutok ang isyung may samaan sila ng loob ni Kris.

Ayon sa mga balitang lumabas, ang pinag-ugatan diumano ng tampuhan ng dalawa ay dahil sa blog at signature shirts na idea ni Vice, pero inunahan daw siya ni Kris na gawin ito.

Nakabalik na ng Pilipinas si Vice.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, sa set ng It’s Showtime sa ABS-CBN ngayong Huwebes, April 16, ang tungkol sa alitan diumano nila ni Kris ang una naming inusisa sa kanya.

Saad ng comedian-TV host, “Alam mo, hindi namin alam kung kaninong addict nanggaling ‘yan.

“Tinanong nga ako, ‘Oy, may issue sa iyo, ganyan-ganyan, ano sasabihin ko?’

“Sabi ko, ‘Tanong mo na lang kung kaninong addict nanggaling ‘yang issue na 'yan, hashtag shabu pa more!’”

Ayon pa kay Vice, “Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga tao, pero nakakadiri lang.

“Ang tanda-tanda namin para mag-away sa T-shirt… ano kami, mga bata?

“We share everything. Kris and I, we share everything.”

MINOR ACCIDENT. Labis din daw nag-alala si Vice nang masangkot sa minor vehicular accident si Kris at ang anak nitong si Bimby Aquino Yap noong Martes, April 14.

Read: Kris Aquino and son Bimby involved in minor vehicular accident

Lahad ni Vice, “Nag-usap kami kahapon… Dapat pala, susunduin niya ako sa airport, isu-surprise nila ako ni Bimby.

“Pagdating ko sa bahay, wala naman akong idea na isu-surprise nila ako, wala rin akong idea na naaksidente siya.

“Nalaman ko na lang kasi may malaking bulaklak sa bahay namin tapos may dalawang cards—yung isa kay Bimby, tapos yung isa galing sa kanya.

“Tapos sabi niya [Kris], ‘Asawa, ayaw talaga tayong pagtagpuin sa airport.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, last time, nung siya ang nag-abroad, ako ang su-surprise sa kanya na hindi rin natuloy kasi nagkamali ng date.

“Kumbaga, yung date na alam ko, tonight siya darating, kaya tonight akong nag-prepare.

“E, yun pala, sa susunod na araw pa!

“E, yung susunod na araw na dating niya, hindi na ako puwede, kaya ‘di ko siya nasundo.

“Ngayon, hindi na naman natuloy kasi naaksidente siya.

"Kaya na-stress ako, lalo na nakita ko yung picture ni Bimby na nakasimangot, akala ko talaga na-hurt nang bongga.

“Tinatawagan ko, hindi ko sila makontak, kaya tinext ko na lang.

“Sabi ko, ‘I’m so worried. Text me back ‘pag puwede nang tumawag.’

“Umagang-umaga nag-text na si Kris, tapos tinawagan ko na siya.

“Si Bimby kasi, lagi kaming nagpe-Face Time nung nasa Amerika ako.”

VICE SA AMERIKA. Masaya namang nagkuwento si Vice ng naging kasaranasan niya sa Amerika, kung saan nagkaroon siya ng series of shows sa iba't ibang states.

Saad niya, “Masaya, sobrang in-enjoy ko nang bongga!

“Nagpunta ako ng Miami [Florida], nagpunta ako ng Chicago [Illinois], nagpunta ako ng New York, Hawaii...

“Bongga, ang daming tao, puno ang mga shows ko, kaya happy ang birthday ko.

“Nakapag-recharge, kasi yung sa Miami, nag-concert ako sa Florida, sa Jacksonville, pero mayroong break, five days break.

“Ang saya, lalo na sa Jacksonvile, kasi huli akong nagpunta dun, more than ten years ago.

“Nung una akong nag-show dun, front act ni Vina Morales.

“Ito, yung show talaga na ako talaga ang bida.”

Sa America na rin nag-celebrate ng kanyang 39th birthday si Vice noong March 31, pero hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataong magkita ng kanyang ina.

Kuwento niya, “Kasi nauna siyang pumunta ng New York.

“Magkikita-kita kami dapat sa bahay ng kapatid ko, nauna na siya.

“Pagdating ko, wala na siya… nagkita kami ng kapatid ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN