Gabby Eigenmann still misses his dad Mark Gil; continues to watch over sister Andi

Gabby Eigenmann reminisces about dad Mark Gil: "He loved four women in his life, e, nagkaanak siya dun. It doesn’t necessarily say na palikero siya... Minahal niya ’yan, hindi lang nag-work... kami pinalaki ng daddy ko na kahit magkakaiba kami ng mga nanay, buo kami."


Aminado ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann na nami-miss pa rin niya ang pumanaw na amang si Mark Gil.

Sumakabilang-buhay si Mark noong September 1, 2014.

Sabi ni Gabby sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sobra! Tuwing birthday ko, I would always wait for his call...

“Ganun yun, tatawag siya, ‘Uy, Gab, happy birthday!’"

Sa unang pagkakataon, sa kaarawan ni Gabby noong March 2, ay walang phone call mula sa daddy niya.

“First time,” may lungkot sa boses na sabi ng 37-year-old actor.

Hanggang ngayon, madalas pa rin daw “kausapin” ni Gabby ang kanyang ama.

“Halimbawa, nito lang, may magazine, nakita ko yung picture niya.

"Wala, sabi ko lang, nami-miss ko siya. May mga ganung moment."

Bihira raw niya mapanaginipan ang daddy niya.

“Kapag gising ako, mas naiisip ko siya.”


GOOD DAD. May bagay raw na hindi makakalimutan si Gabby tungkol sa yumaong ama.

“Alam mo yung legacy na naiwan niya is yung…

“Kasi sa mga hindi nakakaalam, he is a good dad kahit hindi niya kaya kaming mabuo as one family.

“Siyempre he loved four women in his life, e, nagkaanak siya dun.

“It doesn’t necessarily say na palikero siya, na babaero siya, hindi.

“Minahal niya 'yan, hindi lang nag-work, nagkaanak.

“But he never turned his back. Iyon ang ano ko sa kanya…

“That’s why I don’t treat my siblings half, we treat each other na buo.

“Kasi ganun kami pinalaki ng daddy ko, na kahit magkakaiba kami ng mga nanay, buo kami.

“Iyon ang gusto kong dalhin hanggang sa libingan ko, yung maging ganun."

“That I would want to copy.”


CHILDREN. Samantala, sa InstaDAD ng GMA Network ay triplets ang anak ni Gabby na puro babae—sina Gabbi Garcia bilang si Marikit, Jazz Ocampo bilang si Maaya, at Ash Ortega bilang si Mayumi.

Sa tunay na buhay ay apat ang anak ni Gabby—tatlong lalaki at isang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga anak ba ni Gabby ay gusto ring mag-artista?

Ayon sa actor-singer, “Mahilig silang kumanta… kung gusto talaga, hindi ko alam kung mapipigilan ko.

“Pero school is always important.”

Hindi naman niya pipigilan?

“Depende. 'Pag lalaki, for me, feeling ko mas madali.

“'Pag babae, hanggang ngayon nga hindi ko pa makontrol yung mga babae namin!

“Mga kapatid ko [na babae], pero okay lang yun, it will come, it will come.

“They [his siblings] have their own minds, they have to discover what is life talaga.”

ANDI EIGENMANN. Nasasaktan pa ba siya kapag may negative issues tungkol sa kapatid niyang si Andi Eigenmann?

“Hurt is, ano iyon, e... hindi hurt yung word, e, concern.

“Not disappointed, kasi kung lagi kong mararamdaman yun, paano pa yung nagiging guidance?

"Ako yung nagga-guide sa kanya, e. Upset? Oo, may ganun.

"Pero wala akong magagawa kasi may sarili talaga siyang pag-iisip.

“And the only thing that I would… kung saan siya masaya.

“But when you stumble, get back on your feet and don’t make the same mistake.

“Iyon lang naman yun, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN