Kris Aquino ends falling-out rumors with Vice Ganda; shows his sweet gesture for her

Contrary to speculations that they’re not on good terms, Kris Aquino says Vice Ganda tried to call her as soon as he arrived from his U.S. trip last April 15.


Hindi pa man personal na nagkikita sina Kris Aquino at Vice Ganda ay tinuldukan na ng matalik na magkaibigan ang balitang mayroon silang hindi pagkakaunawaan.

Naudlot ang plano ni Kris na sunduin sa airport si Vice matapos masangkot sa isang minor vehicular accident ang Queen of All Media, kasama ang anak na si Bimby, noong April 14.

Sabi ni Kris sa isang bahagi ng caption ng kanyang Instagram post noong araw na iyon: “We were also supposed to surprise @praybeytbenjamin & pick him up in the airport tonight (nasa plane sya so he won't read this 😁), I super pressured Mabolo to create a FIERCE welcome home bouquet for him from Kuya, Bimb & me. Sayang...”

Read: Kris, Bimby involved in minor vehicular accident

Bilang patunay na walang hidwaan ang dalawa, nagpadala rin ng bulaklak si Vice kay Kris, lalo pa’t bahagyang nabahala ang TV host-actress sa pagtaas ng kanyang blood pressure noong araw na siya ay maaksidente.

Sa isa pa niyang Instagram post noong April 15, inihayag ni Kris na pagdating pa lang ni Vice ng Manila ay sinubukan siya nitong tawagan upang kumustahin ang kanyang kalagayan.

Tiyempo namang nagpapahinga na si Kris kaya hindi raw niya nasagot ang tawag ni Vice.

Ngunit paggising ng TV host-actress ay natuwa siya nang makitang nagpadala pa ng bulaklak ang Unkabogable Star.

Sabi ni Kris: "Just arrived, beautiful flowers from @praybeytbenjamin - the sweetest. He was our 1st caller of the day. (Kasi madaling araw sya tumawag while we were fast asleep 😴💤💤💤😂♥️)"


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 16, mariing pinabulaanan ni Vice na nagkagalit sila ni Kris dahil inunahan siya diumano ng huli sa paggawa ng sariling blog at signature shirts, gayong ang comedian-TV host ang unang nakaisip na gumawa nito.

Ayon pa kay Vice, “Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga tao, pero nakakadiri lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tanda-tanda namin para mag-away sa T-shirt… ano kami, mga bata?

“We share everything. Kris and I, we share everything.”

Read: Vice Ganda denies rift with Kris Aquino: "Kaninong addict nanggaling ‘yan?!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN