Ai-Ai delas Alas set to start new teleserye with Kapuso young stars

Ai-Ai delas Alas is now back on Instagram. “Kasi naisip ko, ang tanga-tanga ko...Bakit ako nagpatalo? Unang-una hindi ko naman talaga kilala ang mga ‘to?” She deleted her old account because of bashers.


Fit for a queen ang ginawang pag-welcome ng GMA sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Ang contract-signing at press conference ay ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center noong April 16.

“Naiyak ako kay Mr. [Felipe] Gozon noong sinabi niya na hindi lang ako magaling na komedyante at professional.

“At saka yung sinabi niya na gusto kong sabihin sa kanya paborito ko siya,” lahad ni Ai-Ai.

Kinilabutan ba siya?

“Oo, nagulat ako pati,” ngiti niya.

Bago pa ang formal na pagbalik ni Ai-Ai sa Kapuso network ay kumalat na ang balita na ang teleseryeng Let The Love Begin ang una niyang proyekto kasama ang ilang Kapuso young stars.

Bakit hindi solo ang inalok sa kanya na serye at mga bata ang kasama niya sa show?

Sagot niya, “Alam mo, yun naman ang strength ko, modesty aside.

“Like Tanging Ina, lahat ng suporta ko doon mga bata, doon ako suwerte.

“Ang strength ko kapag lahat ng support, yung sinusuportahan ako at sinusuportahan ko, mga bata.”

Iikot din ba sa kanya ang kuwento ng Let The Love Begin?

“Ah, manood kayo para ano… siyempre, sa akin, sa amin.”

Bakit may lumabas na balitang muntik na niyang tanggihan ang teleserye at pina-revise niya ang script?

Paliwanag ni Ai-Ai, “Hindi ko naman pina-revise yung script nang buo.

“Pina-revise ko yung sa sarili ko, meron lang akong pinalagay na important.”

BACK IN SOCIAL MEDIA. Medyo matagal na rin nang tanggalin niya ang kanyang dating social media accounts dahil sa kaliwa’t kanang pangba-bash sa kanya.

Ngayon, balik na siya ulit.

Paliwanag ni Ai-Ai, “Kasi naisip ko, ang tanga-tanga ko, bakit ako nagbura?

“E, emosyonal ako, masyado akong emosyonal.”

Patuloy pa ni Ai-Ai na tila aliw na aliw sa pagkutya sa kanyang sarili.

“Unang-una, lumang tao ako, hindi ako sanay sinisiraan ako ng kahit sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sanay ako na isang tao lang ang naninira sa akin e ngayon, kahit sino puwede.

“Hindi nga kasi ako sanay, sanay lang ako sa diyaryo, mga ganoon.

“Pero ngayon, buong sambayanan merong sinasabi sa akin. E, bakit ganoon?

“Hindi naman authentic yung mga ‘yan? Hindi mo naman kilala ang mga ‘yan, e.”

Marami nga raw dito ay gawa-gawa lang na account names.

“Kaya binalik ko na nga lang, e. Na-realize ko na para akong tanga.

“Bakit ako nagpatalo? Unang-una hindi ko naman talaga kilala ang mga ‘to?”

For good na raw ang decision niya, “Oo, Hindi ko na buburahin.

"Maganda rin na merong akong ganyan para sa mga fans ko. Ang dami ko pa namang fans."

Nanghihinayang siya sa nawalang followers niya sa Instagram.

“Sayang yung followers ko, siguro ngayon, 500,000 na.

“Noong binura ko yung IG ko, mga nasa 350,000.

“Hindi na puwedeng ibalik yung dating account ko, e.

“Ang bagong IG account name ko is @msaiaiadelasalas.”

Happy naman daw siya sa kanyang bagong IG account.

“Oo, puro positive ang comments nila.

“Sabi ko, ‘Naku, Lord, thank you.Thank you talaga.’

“Grabe, ano ba ‘tong nangyayari? Thank you talaga,” diin pa niya.

Nasa Facebook din daw siya, “pero private.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN