Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

Annabelle Rama posted spiteful tweets about a person, whom she describes as someone who made the wrong choice of the man she is currently with.


“Bato-bato sa langit, ang tamaan, ‘wag magagalit…”

Bahagi lamang ito ng sunud-sunod na tweet messages ni Annabelle Rama ngayong Biyernes ng hapon, April 17, kung saan binatikos niya ang isang babaeng aniya’y matalino subalit bobo pagdating sa pag-ibig.

Hindi direktang pinangalanan ni Annabelle kung sino ang tinutukoy niyang babae.

Gayunpaman, tinawag ng talent manager na "bobita" at "tanga" ang taong tinutukoy pagdating sa pagpili ng lalaking nakakarelasyon nito.

Inakusahan din ni Annabelle ang tinutukoy niyang tao na mas pinipili raw gastusan ang boyfriend kesa sa mga sarili nitong anak.

Sumunod pang maanghang na tweet ni Annabelle:

Binalaan din ni Annabelle ang tinutukoy na tao na mag-ingat sa napili niyang lalaki, na nang-iiwan daw kapag wala nang napapala sa karelasyon.

Binatikos din ni Annabelle ang mga kaibigan ng tinutukoy niyang tao dahil sa pagiging "B.I." o “bad influence” ng mga ito.

IS ANNABELLE REFERRING TO RUFFA? Wala mang binanggit na pangalan si Annabelle kung sino ang tinutukoy niyang tao, ang mga paglalarawan niya rito ay tumutugma sa panganay at nag-iisang anak niyang babae na si Ruffa Gutierrez.

Inamin naman ni Ruffa nitong Marso na hindi boto ang kanyang ina sa French-Israeli boyfriend niyang si Jourdan Mouyal.

Sa artikulong lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 14, tinawag pang PG o “patay gutom” ni Annabelle ang boyfriend ni Ruffa at hindi umano ito makabubuti sa anak na actress-beauty queen.

Gayunpaman, sinabi ni Ruffa na nagbati naman sila ng kanyang ina nang magkita sila sa debut ni Julia Barretto noong March 10.

Pero sinabi rin Ruffa na nagkabati sila ng kanyang ina dahil wala silang choice dahil magkatabi sila ng upuan sa nasabing event.

Read: Ruffa Gutierrez reveals recent spat with mom Annabelle Rama over her BF Jourdan Mouyal

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na nagsalita si Annabelle ng kanyang disgusto pagdating sa lovelife ng kanyang unica hija.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN