Alamid lead singer Gary Ignacio dies at 49

Pumanaw na ang frontman ng ’90s band Alamid na si Gary Ignacio kaninag Biyernes ng hapon, April 17, pagkatapos ng pakikipaglaban sa sakit na kidney cancer.


Pumanaw na ang lead singer ng bandang Alamid na si Gary Ignacio matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa sakit na kidney cancer.

Ayon sa statement na ipinadala ng pamilya ni Gary, binawian ng buhay ang frontman ng Alamid kaninang bandang 2:50 ng hapon, April 17, sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) dahil sa "multiple organ failure."

Si Gary ay 49 years old.

Si Gary at ang '90s band na Alamid ang nagpasikat ng kantang "Your Love."

Ang burol sa mga labi ni Gary ay gaganapin sa Sto. Rosario Village Chapel, Brgy. Baritan, Malabon City.

Naulila ng singer ang kanyang misis na si Maria Buena at ang kanilang dalawang anak.

Noon lamang Pebrero ay naitampok sa programang Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA Network ang buhay at pinagdadaanang pagsubok ni Gary.

Sa madamdaming episode na ito ay sinorpresa pa siya ng mga kasabayan niyang bokalista na sina Jet Pangan ng The Dawn at Wency Cornejo ng After Image.

Bago ito ay ilang beses ding nagsagawa ng benefit concert ang mga kasamahan niya sa music industry upang makatulong sa kanyang pagpapagamot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN