Manny Pacquiao receives speed bag with Mayweather's face on it

by Ruel J. Mendoza
Apr 18, 2015
American celebrity lawyer Robert Shapiro recently visited Manny Pacquiao's training camp, and gave him a novelty speed bag bearing Floyd Mayweather Jr.'s face.

Dalawang linggo bago maganap ang tinaguriang “fight of the century” sa pagitan nina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao, nakatanggap ng isang nakakatuwang regalo si Manny mula sa isang kaibigan na bahagi ng Team Pacquiao.

Noong nakaraang April 14, binisita si Manny ng kilalang celebrity lawyer sa U.S. na si Robert Shapiro sa Wild Cards Gym sa Los Angeles, California.

Niregaluhan niya si Manny ng isang custom-made speed bag na may naka-drawing na mukha ni Floyd Mayweather Jr.

Ang dahilan kung bakit iyon ang naging regalo ni Shapiro kay Pacquiao ay para mas lalo raw itong ma-motivate sa kanyang pag-e-ensayo kapag nakikita ang mukha ni Mayweather sa naturang speed bag.

Nai-post ang photo ng naturang speed bag sa Twitter account ng Complex Sports at may nag-comment na isang follower tungkol sa photo na iyon:

“@Complex_Sports this is the only time he will get to hit Floyd's face”

Ganito rin daw ang ginawa ng boksingerong si Victor Ortiz bago sila magharap ni Mayweather noong 2011. Nilagay nito ang litrato ni Mayweather sa isang punching bag at doon niya ito pinuruhan ng suntok.

Continue reading below ↓


CELEBRITY LAWYER. Kilala si Robert Shapiro bilang isang American civil litigator at isa ito sa nakasama sa defense team ni O.J. Simpson noong 1995.

Ni-represent na rin ni Shapiro ang ilang celebrities tulad nina Johnny Carson, Linda Lovelace, Christine Brando, Eva Longoria, at ang Kardashian family.

Naging legal representative din siya ng mga kilalang athletes tulad ng baseball players na sina Daryl Strawberry, Jose Canseco, at Vince Coleman.

Author din si Shapiro ng The Search for Justice, Misconception, at Somo Says NO.

Noong 2013, nakasama si Shapiro sa list ng “100 Most Influential Lawyers in America” ng National Law Journal.

Naging bahagi ng Team Pacquiao si Shapiro simula noong nito sa isang interview na paborito niya si Manny. Tiyak na manonood daw ito ng PacMay fight sa MGM Grand Garden Arena in Las Vegas, Nevada sa May 2.

Read Next
Read More Stories About
Floyd Mayweather Jr.
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
American celebrity lawyer Robert Shapiro recently visited Manny Pacquiao's training camp, and gave him a novelty speed bag bearing Floyd Mayweather Jr.'s face.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results