Mariel Rodriguez on upcoming Toni Gonzaga-Paul Soriano wedding: “Saksi ako sa naging love story nila.”

Mariel Rodriguez recounts how she witnessed Toni Gonzaga and Paul Soriano’s relationship blossom from the very start: “I saw how their love story grew kaya sobra akong happy when I learned na ikakasal na sila.”


Masaya raw si Mariel Rodriguez para sa kaibigang si Toni Gonzaga.

Ito ang pahayag niya nang tanungin tungkol sa nalalapit na kasal ng kaibigan sa fiancé nitong si Paul Soriano.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mariel sa media launch para sa second season ng Happy Wife, Happy Life sa Annabel’s Restaurant along Tomas Morato Avenue, Quezon City, last April 13.

Pagbabalik-tanaw niya, “When Toni and Direk Paul were starting out, I was there. Saksi ako sa naging love story nila.

“I saw how their love story grew kaya sobra akong happy when I learned na ikakasal na sila.

“I immediately sent her a message and she replied back kaagad.

“Toni said that she’s so excited to become a wife and to become a mom.”

Kung sakaling mauna ngang magkaroon ng baby si Toni kesa sa kanya, mas magiging masaya raw si Mariel para sa dalawa.

“I would be happy kung mauna si Toni na magkaroon ng baby.

“Siyempre, yun naman ang magiging bunga ng pagsasama nila bilang mag-asawa, ‘di ba?”

Tiyak daw na pupunta siya sa wedding, pero hindi pa raw siya sure kung kasama siya sa wedding entourage.

“I would love to see my friend get married.

“It will be a beautiful time in someone’s life.

“Kung noon ay nandoon ako when they were just starting, I would also like to be there when they exchange 'I dos' sa wedding nila,” pahayag pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN