Martin del Rosario not bothered about being typecast in gay roles

After his acclaimed performance as Mark Herras’s gay lover in the pilot episode of the drama anthology Karelasyon, Martin del Rosario will now play Hiro Magalona’s love interest in the primetime series Pari ’Koy.


Hindi raw natatakot ang Kapuso actor na si Martin del Rosario na-typecast sa gay roles.

Nagkataon kasing pagkatapos niyang gawin ang pilot episode ng GMA drama anthology na Karelasyon—kunsaan gumanap siya bilang bading—may bahid na naman ng pagkabading ang karakter na ginagampanan niya sa primetime series na Pari ‘Koy.

Ayon kay Martin, “Okey lang naman sa akin dahil alam ko naman po na maraming plans din for me.

“Siguro po, iniisip na baka ma-typecast, hindi naman, kasi alam ko naman na may mga naka-lineup na show sa akin.”

Noong nalaman niyang gay lover na naman ang karakter niya sa Pari ‘Koy, ano ang kanyang naging reaksiyon?

“Okey lang,” sambit ni Martin.

“Lahat naman po ng gay roles, tinatanggap ko.

"Kahit noong nasa ABS-CBN ako, wala naman po akong tinatanggihan.”

Magkakaiba naman daw kasi ang atake ng gay roles na nagagampanan niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa inihandang pocket presscon ng GMA para sa kanila ni Carla Abellena noong Biyernes, April 17, sa Dulcinea, Tomas Morato, Quezon City.

Kagaya ni Martin ay bagong dagdag na karakter din sa Pari ‘Koy si Carla.

GAY LOVER. Ayon kay Martin, magaan agad ang pagtatrabaho nila ng gumaganap na lover niya sa Pari ‘Koy na si Hiro Magalona.

Lahad ng 23-year-old actor, “Actually, nang magkita kami sa tent ng taping, marami pala kaming common friends. Kilala niya rin ang mga pinsan ko.

“Mabilis kaming nagkasundo, mag-bonding agad.

“So, hindi naman nakakailang.

“Alam naman naming pareho na gay yung roles, so kapag hinawakan ko siya, wala nang malisya yun.

"Hindi ko naman kailangang ipaalam sa kanya na ‘hahawakan kita dito,’ wala namang ganun.”

Nakaeksena na rin daw ni Martin ang bida ng Pari ‘Koy na si Dingdong Dantes.

“First time ko siyang makasama.

“Ang bait nga, e. Kinongratulate niya ako sa Karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Di ba, para sa isang leading man ng GMA-7 para mag-congratulate... nababaitan ako kay Dingdong.”

LOOKING FOR SOMETHING. Kung tutuusin, magaganda rin ang mga nakukuhang roles noon ni Martin sa Kapamilya network. Pero ayon sa kanya, may hinahanap lang siya na baka wala sa ABS-CBN kaya siya lumipat sa GMA.

Kaugnay nito, may mga nababasa raw siyang comments sa social media na kinukuwestiyon pa rin ang naging desisyon niyang paglipat ng network.

Sabi ni Martin, “Sa Twitter minsan may magku-comment.

“Pero alam ko naman po kasi ang mangyayari talaga.

“Basta hindi totoo, hindi ako naba-bother.”

Ang goal daw talaga ni Martin ay maging leading man sa isa sa mga teleserye ng Kapuso network.

At kung mayroon man daw siyang gustong makapareha, ito ay si Kylie Padilla.

“Maganda at saka magaling din namang umarte, yung ganun,” nakangiti niyang sabi tungkol sa Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN