Janine Gutierrez goes on a diet to support boyfriend Elmo Magalona: "So, ganun ang naganap, nagutom din ako!"

Janine Gutierrez says she and boyfriend Elmo Magalona haven’t gone on a quick summer vacation yet. “More on ‘pag Holy Week, talagang family. I went to Bulacan with my family. He was here [Manila] din with his family. So, siyempre, family time lahat,” says Janine in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)


Kasabay ng pagiging matibay pa rin ng relasyon nina Janine Gutierrez, 25, at Elmo Magalona, 20, ay sinisiguro nilang mayroon silang quality time sa kani-kanilang pamilya.

Katulad noong nakaraang Holy Week break kung saan mayroon silang hiwalay na lakad-pampamilya.

Sabi ni Janine, “More on ‘pag Holy Week, talagang family.

"I went to Bulacan with my family. He was here [in Manila] din with his family.

"So siyempre, family time lahat."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janine pagkatapos ng PEPtalk shoot sa Executive Lounge ng GMA Network Center noong Huwebes, April 16.

SUMMER VACATION. Ayon pa sa Kapuso actress, kasama niyang nagbakasyon sa Bulacan ang kanyang ama na si Ramon Christopher at iba pang kaanak, ‘tulad ng lola niyang si Pilita Corales at tiyahin na si Jackie Lou Blanco.

Lahad niya, “My lola’s friend has a rest house there so we stayed there.

“Overnight lang ako, kasi yung sister ko may work, so we went home earlier.

“Complete kasi yung [facilities ng] rest house so swimming lang 'tapos may basketball court, karaoke—typical Pinoy bakasyon.”

Nang tanungin kung nakapagbakasyon na rin sila ni Elmo ngayong summer, sinabi ni Janine na hindi pa sila nakakapag-out of town dahil sa kani-kanilang trabaho.

Sagot ng Kapuso actress, “He’s been busy din with [his recently launched endorsement] and, then ako, nagkalat-kalat yung mga regional shows ko.

"So we haven’t had the chance to go on vacation. Sobrang gusto ko nga, e.”

Minsan nang nakapagbakasyon ang magkasintahan sa Hong Kong kasama ng ilang kaibigan noong nakaraang taon.

Kung sakaling magkaroon sila ng libreng oras at magkaswak ang kanilang schedule, gusto nilang sunod na puntahan ang Korea at Japan.

Aniya, “Gusto ko talaga mag-Korea or Japan.

"Pero kung dito lang sa Pilipinas, sa Coron [Palawan] sana. We haven’t been there kaya gusto rin niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho umano silang mahilig magpunta sa La Union at Baler para mag-surfing.

Pagbabahagi pa ni Janine, “I think we went there three times yata, Baler, La Union.

"Before, I only tried it once, siya it was his first time to surf.

“Pero mas mabilis naman siya matuto, medyo na-overtake na niya ako sa surfing.”

ON A DIET. Samantala, naikuwento ni Janine sa PEP na sinabayan niya si Elmo sa pagda-diet bago sumalang ang aktor sa isang sexy shoot/pictorial para sa isang canned tuna product.

“Siyempre, nung nagda-diet siya, hindi rin ako makakain ng mga fast food kasi nakakahiya naman.

“Siyempre gusto ko siyang suportahan sa mga diet niya nun.

"So, ganun ang naganap, nagutom din ako! Hindi, joke lang!” natatawang saad ni Janine.

Dugtong pa niya, “Siyempre ‘pag yung kasama mo nagda-diet maeengganyo ka.

“At saka siya naman ang nag-inspire sa akin even before the whole [endorsement] thing na mag-workout.”

October 2014 nang isapubliko nina Elmo at Janine ang kanilang relasyon.

Nagkamabutihan ang dalawa nang una silang magkatambal sa teleseryeng Villa Quintana, na umere mula November 2013 hanggang June 2014.

Natapos nitong nakaraang Pebrero ang sumunod na teleseryeng pinagtambalan nila, ang More Than Words.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN