Vice Ganda on Ai-Ai delas Alas and Kris Aquino: "Kung hindi naman uubra, bakit ipipilit? Hindi pinipilit ang friendship."

Vice Ganda affirms his loyalty to ABS-CBN, but then again, "Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari bukas... Dun tayo sa praktikal. I’m not closing any door."


Ayaw magbigay ng reaksiyon si Vice Ganda sa naging komento ng kaibigan niyang si Ai-Ai delas Alas na isang "former friend and former roommate" na lang ang turing nito kay Kris Aquino.

Sabi ng Unkabogable Star sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Ay, ayaw kong dumawdaw!

"Kasi may mga isyung lalong lumalaki dahil marami ang nagku-comment.

"Hindi tuloy nasasara, hindi nabibigyang-linaw yung mga bagay-bagay.

“Kasi ang dami-daming nagbibigay ng mga opinyon.

"It's between the two of them, kayang-kaya na nila 'yan!

"Ang lalaki na nila't tumatanda na rin sila."

Pero si Vice ay nananatiling kaibigan daw ng dalawa.

Magkakaibigan sina Vice, Ai-Ai, at Kris; at naging magkasama pa sa 2012 Metro Manila Filmfest entry na Sisterakas.

Taong 2014 naman nang mapabalitang nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Kris at Ai-Ai.

Sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay lumabas ang balitang nagkabati na ang dalawa, pero hanggang dun na lamang ito.

Read: Kris Aquino and Ai-Ai delas Alas kiss and make up at DongYan wedding

Hanggang nagbitaw ng komento ang Comedy Queen, sa presscon para sa kanyang paglipat mula ABS-CBN papuntang GMA Network, na "former friend" na ang turing niya sa Queen of All Media.

Read: Ai-Ai delas Alas considers Kris Aquino "a former friend"

Bilang kaibigan, magiging masaya raw si Vice kung tuluyang bumalik ang friendship nina Ai-Ai at Kris.

Halos mapasigaw siya nang sabihing, "Happy ako, happy ako kung sabay-sabay kaming rumarampa, 'di ba?

"Pero kung hindi naman uubra, bakit ipipilit, 'di ba?

"Hindi naman sila magiging maluwag o magiging masaya kung ipipilit.

"Hindi pinipilit ang friendship.

"Ang mahalaga ay masaya sila sa kani-kanilang buhay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa grand opening ng Nutopia Barber and Spa, sa Salcedo Village, Makati City, noong Biyernes, April 17.

AI-AI MOVES TO GMA. Sa puntong ito ay tinanong namin si Vice kung ano ang reaksiyon niya sa muling pagbalik ni Ai-Ai sa GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Ai-Ai delas Alas signs two-year exclusive contract with GMA Network

Aniya, "A, congratulations!

"Kasi siyempre, lahat kami may trabaho... masaya, 'di ba?

"At kahit saan naman siya pumuntang channel, siya pa rin ang Comedy Queen, walang magbabago dun.

"Bitbit niya ang korona."

Hindi ba nakapanghihinayang ang maraming taong inilagi ni Ai-Ai sa Kapamilya network?

Pahayag ni Vice, "I can't speak for her.

"Hindi ko naman alam kung ano ang mga kuwento sa paglipat na 'yan.

"Ang sa akin lang naman, lahat kami ay may career, lahat kami kumikita, everybody happy."

Dagdag pa niya, "Basta, para sa akin, positive lang ang lahat.

"Maganda for her, maganda for everyone.

"Matalino naman si Ate Ai, hindi naman yun gagawa ng hakbang na makakasama sa kanya.

"Nasisira lang kami lahat sa lovelife, pero sa career, matalino 'yan," pagbibiro pa niya.

HAPPY FOR EACH OTHER. Samantala, ayon kay Vice, masaya naman si Ai-Ai para sa kanya.

Saad niya, "She's very happy for me, lagi kaming nagti-text. Hindi siya nakakalimot.

"Nung birthday ko, nag-text siya sa akin. Nung mamatay ang lolo ko, nag-text siya sa akin.

"Nung huli kaming nagkita sa ABS, pag-uwi niya, tinext niya ako.

"Constant ang pagti-text namin, and she's very happy for me.

"At saka, binibigyan niya ako ng advice.

"Yung mga pinagdaanan niya, sini-share niya sa akin, na gusto niyang matuto ako sa mga pinagdaanan niya.

"Napaka-generous niya, gusto ko yun, maganda ang pinag-uusapan naming dalawa."


LOYAL. Sa tingin ba niya ay maaari ring mangyaring lumipat siya ng network?

Mabilis na sagot ni Vice, "Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari bukas.

"Paano na kung magsara itong ABS, e, di lumipat sa ibang channel.

"Alangan naman na sabihin ko, 'Di, loyal ako sa ABS...'

"Paano na kung walang trabaho? Dun lang ako sa labas, maghihintay ako?

"Dun tayo sa praktikal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin nito ay bukas siya sa anumang puwedeng mangyari sa kanya?

Ani Vice, "I'm not closing any door, may posibilidad.

"Right now, hindi ako puwedeng lumipat, kasi may kontrata ako.

"Sa ngayon, nananatili ang loyalty ko, hindi ako puwedeng lumipat sa ibang channel.

"At saka, masayang-masaya ako sa ABS and, hopefully, masaya rin sila sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN