Alex Gonzaga denies handing out free concert tickets

Alex Gonzaga admits that she has received a lot of criticisms from bashers because of her upcoming April 25 concert: “Kasi madami na rin akong nakukuha dito sa concert ko, ang dami-dami kong nakuha mga bashing.”


Puspusan na ang paghahanda ni Alex Gonzaga para sa kanyang nalalapit na first major concert, ang Alex Gonzaga: The UnEXpected Concert.

Gaganapin ito sa April 25, Sabado, sa Smart-Araneta Coliseum.

Asahan daw ang pagdagsa ng marami niyang guest stars na kinabibilangan nina Luis Manzano, Jolina Magdangal, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Joseph Marco, Karla Estrada, at ang nakatatandang kapatid niyang si Toni Gonzaga.

Noong nakaraang linggo, nag-post din si Alex ng larawan kung saan ipinakita niya ang kanyang mga pasa dahil sa rehearsals.

Kuwento ng Kapamilya TV host-actress, “Kasi nagti-training na kami, nakapag-rehearsal.

"Siyempre ang ka-showdown ko is Maja Salvador, so ngayon pa lang nagti-training na ako.

“Lahat ng ka-OA-han ginawa ko, kasi isang ganun pa lang ni Maja, elbow na ako, laglag ako sa stage.

"So, kailangan magbuwis-buhay!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew si Alex sa The UnEXpected Karaoke Battle na ginanap sa Gateway Mall, sa Cubao, Quezon City, nitong Linggo, April 19.


MESSAGE TO BASHERS. Hirit ng PEP kay Alex: Bibirit din ba siya sa kanyang concert?

“Siguro lagi naman dapat ini-expect [ang ganun].

"Yung kanina, bumirit na rin ako diyan. Normal na ‘yan,” pagtukoy niya sa pagkanta nang mataas sa ginanap na event.

May mga artistang nabatikos dahil sa pagtawid nila sa pagkanta at pagpe-perform kahit na hindi ganun kaganda ang boses nila, kagaya na lamang ng nangyari noon kay Anne Curtis.

Paano nagre-react si Alex sa mga puna ng bashers?

Saad niya, “Alam mo, yung mga basher talaga, they’re not welcome sa concert ko.

“Sa mga basher, don’t go to my concert.

"I just said, if you are a basher, don’t go to my concert, just be a scalper."

Pag-amin pa ni Alex, “Kasi madami na rin akong nakukuha dito sa concert ko... ang dami-dami kong nakuhang mga bashing.

"So, kinakantahan ko na lang sila ng ‘Bashing through the snow, in a one horse open sleigh...’ ang dami nila,” biro pa ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


TICKET SALES. Sa mga ipinupukol sa kanyang kritisismo, ano ang pinakamatinding natanggap niya?

Sabi ni Alex, “Namimigay daw ako ng tiket.

"Kasi ang Mommy Pinty [ina ni Alex] daw, kawawa na daw, kasi hirap na hirap na daw.

“Sabi ko nga, actually, hindi pa talaga ako namimigay ng ticket.

"Kasi lahat ng mga kaibigan ko, bumili lahat sila ng tiket, so wala kaming ticket na hawak.

"Isa pa lang ang nabigyan ko, kasi birthday gift ko sa kanya—si Julia Barretto. Siya pa lang ang nabibigyan ko.

"Even my mga katrabaho, wala pa akong nabibigyan.”

Tiniyak din daw ng producer ng concert niya na maganda ang benta ng tickets sa kanyang major solo concert.

“Basta ang sinabi, 'Don’t worry, kasi it’s doing good.'

"Kaya hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang namimigay ako ng ticket... dahil this week pa lang ako mamimigay,” pagpapakuwela ng comedienne.

Dagdag na biro niya, “May nauna na palang namimigay. This week pa lang ako mamimigay...

"Nao-offend ako, inuunahan niyo ako!"


CELEBRITY GUESTS. Samantala, muling natanong si Alex sa pagtatapat sa kanila ni Vice Ganda, na kaibigan ng aktres.

Magkakaroon din kasi ng major solo concert si Vice sa Mayo na gaganapin din sa Araneta.

Sabi ni Alex, “Nakakahiya ang mga ganung isyu, nahihiya ako para kay Vice.

“Siyempre ako, first-timer pa lang, tapos siya, ilang beses na niyang napupuno ang Araneta.

"So, hindi dapat ikinukumpara dahil nakakahiya 'yon, saka nag-usap na kami."

Manonood ba si Vice ng concert niya?

Hindi man niya direktang inamin, nagbigay ng pahayag si Alex na posibleng magkaroon ng guest appearance sa Vice sa nalalapit niyang concert.

Samantala, hindi man daw makakapunta si Kris Aquino sa kanyang copncert dahil sa prior commitment nito, sinabi ni Alex na pupunta naman ang mga anak ng Queen of All Media.

“Sinabi ni Ate Kris, si Bimby at si Josh ang dadating, kasi meron daw 'ata siyang prior commitment na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN