Robin Padilla says wall between him and BB Gandanghari has been broken

“Tapos na po yung kabaduyan naming dalawa. Yakap na yakap na po namin ang kanyang pagiging babae,” says Robin Padilla about his transgender sibling BB Gandanghari.


Kapansin-pansin ang hindi pagdalo ni BB Gandanghari sa press conference na inihanda ng TV5 para sa second season ng sitcom na 2 ½ Daddies, Lunes ng hapon, April 20.

Bida sa sitcom ang magkakapatid na BB, Rommel, at Robin Padilla.

Halos magkasabay na dumating sina Robin at Rommel—na kasama ang anak na si Aryanna—ngunit wala si BB.

Bago pa man mabigyan ng ibang kulay, agad na nagpaliwanag si Robin ng hindi pag-attend ni BB.

Panimulang biro niya, “Aaminin ko na po, kasalanan po ito ni Kuya Rommel.

“Ang totoo po niyan, nagpaplano kasi kaming magkakapatid at iba pang pamilya namin na magkaroon ng motorcycle tour sa Pilipinas.

“E, pinag-eensayo po namin si BB na magmotor dahil sabi namin sa kanya, 'Tol, di na namin kailangan ng ganyan dahil lahat kami ay rider. Ikaw ang kailangang mag-training mag-motor.'

“Sa napakalungkot po ng ganap, siya po ngayon ay nasa ospital dahil nagkaroon po ng aksidente.

“Kaya ho humihingi kami ng paumanhin sa TV5, kasalanan po talaga ni Kuya Rommel.”

Sabi rin ni Robin, “Maligayang-maligaya si BB sa Season 2.

“Kaya lang, siyempre po, hindi na namin siya pinuwersa na pumunta rito dahil kailangan na po talaga niyang ipahinga, baka po kasi may bali.

“Hindi po natin alam kung gaano ang extent nung aksidente niya.”


NO MORE KABADUYAN. Kasunod ng pagpapaliwanag kung bakit wala si BB sa press conference, sinabi rin ni Robin na maayos na ngayon ang relasyon nilang magkakapatid.

Matatandaang noong umamin si BB na isa siyang transgender, hindi ito agad natanggap ni Robin.

Iba na raw ngayon, sabi ng action star.

“Una, hindi po siya nagtatampo, wala pong nangyayaring ganyan sa amin ngayon.

“Tapos na po yung kabaduyan naming dalawa.

“Yakap na yakap na po namin ang kanyang pagiging babae.

“Wala pong hadlang na sa aming puso.

"Wala pong ganung dahilan ngayon kung bakit wala po siya dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BREAKING THE WALL. Kaugnay nito, nagpasalamat din si Robin dahil naging daan daw ang sitcom nilang 2 ½ Daddies para maging mas malapit sa isa't isa.

Aniya, “Kasi, ibang tao si BB, hindi na namin siya masyadong kilala.

"Nagkikita lang kami kapag mayroong party sa pamilya.

“Nagkaroon lang kami ng diretsang pag-uusap dahil dito sa 2 ½ Daddies.

“Siyempre, kasama namin siya almost 15 hours a day, no choice siya.

“Lahat ng pang-aasar, tinatanggap niya. Pero ganun din naman ang bawi niya sa amin. Kaya naging parang bonding."

Dahil dito, sabi ni Robin, “Ang laki ng utang ng loob namin sa TV5 dahil sila yung nagtanggal ng wall.

“Nawala totally yung wall sa aming magkakapatid.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN