Rita Daniela not hurt by Alden Richards’s denial that they had mutual understanding

Rita Daniela on her rection to Alden Richards’s denial: "Nag-smile lang ako. Kasi, ibig sabihin, sinabi niya yung totoo, kung sino siya talaga, kung ano yung napi-feel niya, kung ano yung point of view niya. Which is, ganun talaga si Alden, na totoo."


Bagamat nagkaroon ng isyu sa pagitan nila noon, sinabi ni Rita Daniela (dating Rita de Guzman) na wala pa ring nagbabago sa samahan nila ni Alden Richards.

Matatandaang sinabi noon ni Rita sa isang interview na nagkaroon sila ng mutual understanding ni Alden, ngunit itinanggi ito ng Kapuso matinee idol sa hiwalay na panayam.

Read: Rita de Guzman reveals brief romance with Alden Richards

Read: Alden Richards clarifies Rita de Guzman's claim that they had mutual understanding

Sabi ni Rita sa bagong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Okay naman po kami. Ganun pa rin naman po, wala naman pong nagbago.”

Hindi raw nabawasan ang kanilang pagkakaibigan.

Diin ng Kapuso actress-singer, “Hindi po, wala po, wala pong nagbago. Ganun pa rin.

“Kasi ganun naman talaga si Alden, sobrang bait talaga.

“So, feeling ko, hindi naman siya mawawalan talaga ng friends.”

Nakausap ng PEP si Rita para sa promo ng kanyang self-titled album mula sa GMA Records, kahapon, April 20, sa GMA Network Center.

NOT HURT. Kahit kaunti ay hindi raw talaga nasaktan si Rita sa pagtanggi ni Alden na nagkaroon sila ng relasyon.

“Hindi talaga!” bulalas niya.

“Kasi ganung-ganun talaga si Alden, e.

“Kasi kilala na namin talaga yung isa’t isa, kung gaano kami kaprangka, kung gaano kami…

“So, hindi naman po, hindi naman nagkaroon ng time na parang, ‘Uy, ganito-ganyan!’ Wala.

“So, nung nagkita kami, ganun lang, smile lang, tapos nag-hug lang kami.”

Ano ang naging reaksiyon niya matapos basahin ang interview kay Alden?

Sagot ni Rita, “Nag-smile lang ako.

“Kasi, ibig sabihin, sinabi niya yung totoo, kung sino siya talaga, kung ano yung napi-feel niya, kung ano yung point of view niya.

“Which is, ganun talaga si Alden, na totoo.

“Kaya kami click as friends talaga, e.

“As in super friends kasi alam din niya na totoo ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SWEET ALDEN. Hindi ba siya nag-effort na kausapin si Alden na huwag masyadong sweet sa mga kaibigang babae para hindi nalalagyan ng ibang kahulugan?

Saad ni Rita, “Actually, siya yung nag-advise sa akin ng ganun, na just be ano lang… minsan, sometimes just be careful, ganyan.

“Pero kahit noon pa, e. Minsan ‘pag may ano kami, ‘Uy, minsan ganyan, ha?’

“O, tapos okay na, tapos ganun pa rin, ‘pag may compliment, siyempre hindi nawawala, ‘di ba?

“Na, ‘Uy, ang galing mo dito, ang husay mo, ha!’”

Sa naging isyu sa kanila, hindi naiwasang may mga nang-bash kay Rita, na ang iba ay sinabihan siyang “assumera” at “feelingera”.

Pero hindi rin daw nasaktan si Rita sa mga pamba-bash sa kanya.

Paliwanag niya, “Kasi ang importante naman po dun is yung kami ni Alden, e.

“Basta sure kami na okay kami.”

Hindi kaya naging magkarelasyon sila talaga ni Alden, pero pinagbawalan lang silang umamin, sa ngalan ng kani-kanilang career?

Diin ni Rita, “Hindi po talaga, wala talaga, wala talaga.

“Pero ako, looking forward, gusto ko pa rin talaga siya makatrabaho. Promise!”

Halimbawang ligawan siya ni Alden, may chance ba na maging sila?

Sagot ni Rita, “Hindi, kasi hindi rin siya magwo-work.

“Kasi ako, nag-i-school ako, busy ako, busy din siya.

“Priority ko po talaga yung school.”

Kailan ba siya ga-graduate?

“Naku, matagal pa po, kasi nung first na pumasok ako, matagal din akong nag-stop.”

Kumukuha ng kursong filmmaking si Rita sa College of St. Benilde.

Bukod sa bago niyang album ay mapapanood na very soon si Rita bilang kontrabida sa Let The Love Begin nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN