Mich Liggayu: “Sobrang depressed pa rin ako 'til now.”

by Bernie V. Franco
Apr 21, 2015
Mich Liggayu of Jamich posts on Facebook that she is going through tough times, but hopeful that she will eventually overcome it.

Inamin ni Mich Liggayu—ang kalahati ng YouTube sensation na Jamich—na may pinagdadaanan siya ngayon.

Ito ay base na rin sa kanyang pinakahuling Facebook post ngayong Martes, April 21.

Hindi naman idinetalye ni Mich kung may kinalaman ang kanyang nararamdaman sa pagpapa-interview sa media ni Maricar Sebastian, ina ng yumaong fiancé ni Mich na si Jam Sebastian, tungkol sa paghahabol ni Maricar ng hatian ng ari-arian at pera ng Jamich.

Read: Maricar Sebastian to Mich Liggayu: “Ibalik niya kung anong dapat sa amin, kasi karapatan ko 'yon.”

Sabi ni Mich sa kanyang Facebook status: “Inalis sa 'kin lahat ni God ngayon.

“Gusto ko i-share sa inyo yung isang side ng Paolinne Michelle Liggayu ngayon.

“Weak.

“Nothing.

“Helpless.”

Pagpapatuloy pa niya, “Pero alam ko one day, someday, maiintindihan ko lahat ng nangyayari ngayon.

“Sobrang depressed pa rin ako 'til now.

“Madalas sinusubukan ko tatagan sarili ko sa lahat ng nangyayari.

“Oo pwedeng makita mo 'kong naka-smile, pero behind that smile... sobrang laki ng pain. Sobra.

Continue reading below ↓

“Someday maiintindihan ko kung bakit pinaranas sa’kin to ni God.

“At sana pagdating ng araw na yun, gusto ko rin i-share sa inyo kung pano ako makakatayo ulit.

“Gusto ko maka-bless ng mga tao. In my own little ways.

“Thank you. Thank you sa mga natira sa 'kin.

“Kung may pinagdadaanan ka rin ngayon, di ka nag-iisa. Hug...

"We can do this. Just pray. Pray harder. Don't give up. Ask for God's embrace.

“Someday ngingiti rin tayo ng totoo.

“God loves you very much. Be blessed.”

Read Next
Read More Stories About
Jamich
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mich Liggayu of Jamich posts on Facebook that she is going through tough times, but hopeful that she will eventually overcome it.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results