Robin Padilla reminds politicians to use their own money in Pacquiao-Mayweather fight

Hindi raw maiwasang mag-alala ni Robin Padilla na ang gagamiting pera ng mga pulitiko sa panonood ng laban ni Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather Jr. sa Las Vegas, Nevada ay ang pera ng taxpayers na kagaya niya.


Nagbigay-paalala ang action superstar na si Robin Padilla sa mga pulitikong manonood ng laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, sa May 2.

“Tax ba natin 'yan?” pabirong tanong ni Robin nang makausap siya ng ilang reporters sa press conference ng 2 ½ Daddies kahapon, April 20.

Madalas kasing may mga pulitikong nanonood nang live sa mga laban ng Saranggani representative at Pinoy boxing champ na si Manny.

Kaya naman umaasa si Robin na sa pagtutuos nina Pacquiao at Mayweather ay mula sa sariling bulsa ng mga pulitiko ang gagamitin nilang panggastos sa panonood nito.

Katuwiran ng aktor, “Hindi naman ako puwedeng tumigil [sa pagkomento] kasi magbabayad na naman tayo sa June.

"Bayaran na naman sa June ng tax.

“Siyempre, tuwing magbabayad ako ng tax, sumasakit ang loob ko.

“Wala akong ibang masisisi kundi yung mga pulitiko.

“Huwag naman sumama ang loob nila sa akin.

“Hindi naman 'yan isang bagay na hindi natin alam lahat. Alam nating lahat 'yon.”

Kaya mariing ipinaalala ni Robin sa mga pulitiko: “Sana sa laban ni Manny Pacquiao, pera nila ang ginamit nila, hindi pera natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN