Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach appeals to bashers to give her a chance

Aminado si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach na apektado siya sa mga nababasa niyang negatibong komento tungkol sa kanya, pero hindi naman daw niya ito iniiyakan. Sabi niya, “A, kasi hindi naman kasi masyadong masakit kasi hindi ko naman sila kilala. “


Inamin ni Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach na naaapektuhan siya sa bashers at mga negatibong komento sa kanyang pagkapanalo sa Binibining Pilipinas 2015.

Hindi naman daw niya iniiyakan ang mga batikos na kanyang nababasa. Pero pag-amin ni Pia, “Pero siyempre nakaka-affect.

"Kaya I try not to read anything online, pero minsan kasi naka-tag ako. Sa mga mismong personal account ko nagku-comment.

"Kasi hindi naman kasi masyadong masakit, kasi hindi ko naman sila kilala."

Isa sa batikos kay Pia ang pagiging "downgrade" daw niya kay Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa.

Buwelta ng actress turned beauty queen, “Well, my question is, how am I a downgrade when… I was chosen by the judges that night.

“And it’s not fair to judge me this early on in the competition because they’re comparing me to somebody who already competed in Miss Universe, who’s already ready physically, mentally.

"Lahat, handang-handa na si MJ.

“So, I understand people who really want to win the crown.

"I want to win the crown also, but siguro bigyan muna natin ako ng panahon para mag-prepare bago natin tingnan kung ano yung chances natin sa Miss Universe."

Sa ngayon, wala pang eksaktong petsa at lugar kung saan gaganapin ang Miss Universe, pero malamang daw ay sa huling bahagi ito ng 2015 ganapin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Pia sa launching niya—kasama ang apat pang Binibining Pilipinas 2015 queens—bilang bagong endorser ng Dairy Queen, na ginanap sa isang restaurant sa Cubao, Quezon City, kahapon, April 21.

“MAGKABABAYAN NAMAN PO TAYO, E…” Hindi rin kumportable ang 25-year-old beauty queen sa ideyang magbigay siya ng mensahe sa bashers.

Medyo alangan pa ito nang mahingan ng mensahe para sa mga kritiko niya.

Pahayag ni Pia, “To the bashers, I understand that you had your bets during Binibining Pilipinas that may have not won the crown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka hindi nila nakuha yung Universe, baka hindi sila nag-top 7 o baka ibang crown yung nakuha nila.

“I understand, but pagka lumaban na po ako sa Miss Universe, hindi naman po ako dun Pia Wurtzbach, Number 10 ng Bb. Pilipinas.

“Pia Alonzo Wurtzbach, Philippines po ako.

"I’m gonna be wearing the sash of the Philippines."

Dagdag pa ni Pia, gagawin niya ang lahat upang hindi mabigo ang mga Pinoy na uhaw sa isang Miss Universe crown, na huling napanalunan ni Margie Moran noong 1973.

Saad pa ng Filipino-German beauty queen, “All I have to do now is really prove that I’m right in this responsibility.

“Magkababayan naman po tayo, e. Dito na po ako lumaki, dito po ako nakatira.

"Buong buhay ko, diretso po ako mag-Tagalog. Parang, I consider myself very much a Filipina.

“So, hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganun pa rin, but it’s okay.

"Some of the criticisms naman is constructive. Na agree naman ako na kailangan ko pang maghanda.

“May mga flaws pa ako, meron pa akong mai-improve.

"Okay lang sa akin yun. Ginagawa ko po lahat ng makakaya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN