Georgina Wilson still mum about breach-of-contract allegation; talent manager Shirley Kuan confronts Georgina

Inuulan ng batikos ngayon ang model-TV host na si Georgina Wilson dahil sa pagbitaw sa kanya ng talent manager na si Shirley Kuan, pagkatapos pumirma ni Georgina sa isang telecommunications company nang hindi raw nagpapaalam kay Shirley.


Inamin ng talent manager na si Shirley Kuan na kinumpronta niya si Georgina Wilson kaugnay ng pagbitaw niya bilang manager ng model-TV host.

Matatandaang pumutok noong Sabado, April 18, ang balitang binitawan na ni Shirley si Georgina dahil diumano sa breach of contract, pagkatapos pumirma ng model-TV host ng kontrata sa isang telecommunications company nang wala siyang approval.

Dahil dito ay maghahain ng formal complaint si Shirley laban kay Georgina.

Read: Talent manager Shirley Kuan cries foul over Georgina Wilson's breach of contract

Noong Sabado rin ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shirley, at dito nga niya sinabing nagkausap sila ng dating alaga tungkol sa isyu.

Sabi ng talent manager, “Face to face this morning.

“Siyempre, confrontational ako, ‘di ba? Because I hold the truth.”

NEGATIVE ISSUES. Sunud-sunod ngayon ang paglabas ng mga negatibong kuwento tungkol sa working attitude diumano ni Georgina, lalo na ang tungkol sa pagiging unprofessional daw nito.

Maging ang pagiging host niya ng Asia’s Next Top Model ay nabigyan ng mga puna.

Read: Georgina Wilson responds to negative criticisms about her hosting skills in Asia's Next Top Model

Sa isang gossip blogsite, lumabas ang isang larawan ni Georgina habang nagdyi-gym at may hawak na cell phone.

Kuha diumano ang nasabing larawan noong April 16.

Sa Instagram account ni Georgina, isang linggo na ang nakalilipas, nag-post siya ng iniendorsong Samsung SG at may caption na, “I made the big switch!”

💥💥I made the big switch!💥💥 #NextIsNow #GalaxyS6edge

A photo posted by Georgina Wilson (@ilovegeorgina) onApr 12, 2015 at 3:09am PDT

Kaya may mga nagkuwestiyon na bakit daw iPhone brand pa rin pala ang ginagamit nito.

Maliban dito, napuna rin ng ilang netizens ang suot niyang rubber shoes.

May nagkuwestiyon na bakit daw ibang brand ang suot nitong sapatos sa halip na Converse na siyang iniendorso niya.

Pero ang tila mas nagmarka sa mga nakakita ng larawan ni Georgina habang nagdyi-gym ay ang katawan nito.

Marami ang nagulat kung bakit may bilbil siya, hindi katulad ng mga larawan niya sa photo shoots kung saan payat siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMISSION RATE. Kahapon, April 21, saglit na nakausap muli ng PEP si Shirley sa pamamagitan ng telepono.

Kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa mga negatibong komento, reaksiyon, at kuwento tungkol kay Georgina.

Si Shirley ay miyembro ng PAMI (Professional Artists Managers, Inc.), at ang normal commission rate na nakukuha ng manager sa bawat talent nito ay 30 percent.

Sa kaso raw ni Georgina, nang simulan siyang hawakan ni SK noong 2012, nakiusap daw ito na sa halip na 30 percent ay 20 percent na lang ang ikaltas sa kanya bilang komisyon.

Pahayag ni Shirley, “Pumayag naman ako. Kasi, naaawa naman ako. At saka, hindi naman ako ganid sa pera.”

Tinanong din ng PEP si SK kung gaano karaming endorsements ang naibigay niya kay Georgina.

Ayon sa talent manager, nasa 21 endorsements ang naisara nila mula 2012. Ang ilan sa mga ito ay may live contracts pa rin hanggang ngayon.

Halos 25 years nang nagma-manage ng talents si Shirley.

Kabilang sa mga hawak niyang artista ay sina Albert Martinez, Rufa Mae Quinto, Agot Isidro, at Maricel Soriano.

Ilan naman sa mga artistang inalagaan niya noon ay ang mga semi-retired na sa showbiz na sina Donna Cruz at Joyce Jimenez.

Kahit hindi na aktibo sa showbiz ang dalawa, hanggang ngayon ay si SK—tawag kay Shirley sa showbiz—pa rin ang itinuturing nilang talent manager. Kay Shirley pa rin dumadaan kapag may gustong mag-book sa kanila.

STILL MUM. Sa ngayon, nananatiling tahimik si Georgina tungkol sa pagbitaw sa kanya ni Shirley.

Nang subukan ng PEP na kunin ang kanyang panig sa isang event kamakailan, sinabi ni Georgina na hahayaan na lang niya ang kanyang legal counsel na sumagot sa mga isyu.

Ganunpaman, mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Georgina tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN