Kris Aquino wants to be close friends with Gerald Anderson the way she is with Kim Chiu

Kris Aquino reveals what she told Gerald Anderson via text message: "Sinabi ko nga sa kanya na alam ko na alam niya na si Kuya [Josh], si Bimb, at ako super close kay Kimmy [na] parang adopted member of the family. Pero sinabi ko na kung gano’n namin siya [Kim] ka-love, sana you will allow us also na gano’n ka rin namin i-love.”


Naging bukas si Kris Aquino sa pagsasabing gusto niyang ituring na isa sa kanyang mga kaibigan si Gerald Anderson, gaya ng pagiging malapit ng Queen of All Media sa ibang Kapamilya young stars sa pangunguna ni Kim Chiu.

Hindi kaila sa publiko na isa si Kris sa naging confidante ni Kim noong kasagsagan ng alitan ng huli at ni Maja Salvador dahil kay Gerald noong 2013.

Pareho na ngayong ex-girlfriends ni Gerald sina Kim at Maja.

Ngunit iginiit ni Kris na walang masama kung sakaling maging kaibigan din niya si Gerald, tulad ng pagiging malapit ng TV host-actress kay Kim.

Lahad ni Kris sa April 22 episode ng Kris TV, β€œ'Di ba, hiningi ko yung number, Darla, para makapag-thank you sa kanya?

β€œTapos sinabi ko nga sa kanya na alam ko na alam niya na si Kuya [Josh], si Bimb, at ako super close kay Kimmy [na] parang adopted member of the family.

β€œPero sinabi ko na, 'Kung ganun namin siya [Kim] ka-love, sana you will allow us also na ganun ka rin namin i-love.'”

Nagkaroon ng pagkakataon si Kris at ang bunso niyang anak na si Bimby na maka-bonding si Gerald nang mag-taping sila para sa Kris TV dalawang linggo na ang nakararaan.

Kuwento ni Kris, hindi niya akalain na noong panahong iyon ay may pinagdadaanang personal na problema si Gerald.

Tila ang tinutukoy ni Kris ay ang hiwalayan sa pagitan ni Gerald at ng ex-girlfriend nitong si Maja.

Matatandaang isinapubliko ni Gerald ang tungkol sa breakup nila ni Maja noon lamang April 14.

Read: Gerald Anderson and Maja Salvador "taking a break" from their relationship

Bilang ina, ikinatuwa raw ni Kris na pinaglaanan ng oras ni Gerald na turuan si Bimby na mag-parkour, isang uri ng physical training na hango mula sa military obstacle course.

Patuloy na pahayag ni Kris ukol dito, β€œBecause sinabi ko na sobrang na-appreciate ko, na hindi naman natin alam nung nagte-taping tayo na may pinagdadaanan pala, pero itinuloy niya at ginawa niya yung parkour [session with Bimby], because prinamis niya yun sa atin nung nagpro-promote ng Halik Sa Hangin, at tinupad niya at hinanapan niya ng oras talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

β€œSo ako, as a mom, super naa-appreciate ko yun.”

Bukod dito, inihayag ni Kris na pinadalhan ni Gerald si Bimby ng isang mini-trampoline na isa sa mga ginagamit sa parkour.

Ito ang dahilan kung bakit kinuha ni Kris ang cellphone number ni Gerald para makapagpasalamat sa aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN