Richard Gutierrez choosy about accepting projects; wants to devote more time with son Zion

Richard Gutierrez on hosting KISPINOY for TV5: "I’m very happy, I’m very happy to be part of TV5 right now for this show. Ms. Wilma Galvante has always been… I consider her as one of my early mentor in my career."


Balik-primetime si Richard Gutierrez.

Isa siya sa host ng bagong reality-talent competition ng TV5, ang KISPINOY, kung saan makakasama niya ang model-DJ na si Jinri Park bilang co-host; at sina Rico Blanco at Nicole Asencio ng bandang General Luna na magsisilbi naman bilang mga hurado.

Kahapon, April 22, ginanap ang launch ng nasabing programa sa K-Pub BBQ restaurant sa Bonifacio Global City.

Um-attend din sa presscon ang K-pop groups na U-KISS at Laboum.

Matagal-tagal ding hindi napanood si Richard sa primetime, dahil ang huli pa niyang proyekto ay ang Love & Lies sa GMA Network noong 2013.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Richard, sinabi nitong mas nagiging mapili siya ngayon sa mga proyektong tatanggapin niya.

“As of now, I’m choosing my shows carefully, and I don’t want to be tied up with one particular network.

"So, I’m happy with that kind of set-up right now.

“I get a lot of free time and I get to choose wisely which shows I could do.

“But I’m very happy, I’m very happy to be part of TV5 right now for this show.

“Ms. Wilma Galvante has always been… I consider her as one of my early mentors in my career.

“So, I’m happy to be part of her network.”

Si Ms. Wilma Galvante, na dating executive ng GMA Network, ang kasalukuyang chief content and entertainment officer ng TV5.

FAMILY PLANS. Isa sa pinaka nae-enjoy ngayon ni Richard ay ang kanyang bonding kasama ang anak nila ni Sarah Lahbati na si Zion.

Sabi ni Richard, “It’s really one of the best adventures of my life.

“It’s really a great journey and I’m enjoying every moment, you know.

“He’s growing up so fast. That’s what I realized, when you have a kid, they grow up so fast and time really flies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, that’s why I’m also taking care of my time with my boy Zion."

Pinabulaanan naman ni Richard ang usap-usapang buntis muli si Sarah.

“This time, tingnan natin, pero right now, we’re enjoying Zion. Family planning muna.”

Nang tanungin naman kung may balak na silang magpakasal ni Sarah, sagot ni Richard, “My brother is getting married in June, so siya muna.”

Ang tinutukoy ni Richard na kapatid ay si Elvis Gutierrez at ang longtime girlfriend nitong si Alexa Uichico.

GETTING PICKY? Nilinaw muli ni Richard na mas gusto niyang maging freelance artist sa ngayon, kaya naman per project muna ang kontrata niya sa TV5.

“It’s a project per project case, you know.

“If it’s a good project and I feel like, you know, it’s gonna do well for me and I feel like I can devote time for it, why not?

“If it’s a good project, why not?”

Dagdag pa niya, “I don’t think it’s a conflict.

"I think it’s actually working well with reality shows.

“A reality show is also show across the region and E! Network is also strong in Korea.

“So, you know, it goes hand in hand.”

Ang isang rason kung bakit naiisip ni Richard na maging mas mapili sa kanyang mga proyekto ay dahil nais daw niyang ma-enjoy muna ang kanyang pagiging ama sa anak na si Zion.

Paliwanag pa ng 31-year-old actor-TV host, “I mean, we’re not getting any younger.

“I wanna choose my projects wisely and spend time wisely also, especially now that I have Zion.

“You know, I’m just trying to choose which projects are right for me right now.”

Inamin naman ni Richard na nami-miss din niya ang pag-arte.

Sabi pa niya, “I miss acting, of course, and I’m actually planning to do a movie this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I’m looking forward to that. I miss acting definitely.”

IT TAKES GUTZ. “I think you should talk to them.”

Ito naman ang naging sagot ni Richard nang tanungin tungkol sa alitan sa pagitan ng inang si Annabelle Rama at kapatid na si Ruffa Gutierrez.

Sabi pa ni Richard, “I don’t think I’m in the position to talk about that right now.

“If you have a chance to talk to my sister and my mom, you guys ask them that.”

Nitong nakaraang linggo, sunud-sunod na tweets ang inilabas ni Annabelle kung saan binatikos niya ang isang babaeng hindi niya pinangalanan at sinabing “bobita” sa pagpili ng lalaki.

Read: Did Annabelle Rama just call daughter Ruffa Gutierrez “tanga” and “bobita”?

Sa kabila ng lahat, natapos na ring i-shoot ng Gutierrez family ang ikatlong seasong ng kanilang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez.

“Right now, we just finished filming It Takes Gutz To Be A Gutierrez and I’m looking forward to that.

“So, you’ll get to know more about the family about the show.

“Kung may dapat abangan sa Gutierrez family, sa Season 3 ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, marami kayong malalaman."

Hindi naman na raw bago kay Richard ang ibahagi ang kanilang buhay bilang pamilya dahil lumaki na silang kinagisnan ito.

Sabi pa niya, “You know, ever since we were kids, we grew up na talagang, more or less, alam na rin ng tao nangyayari sa pamilya namin.

“And now that we’re doing a reality show, you have to be open.

“You have to give the audience what they want and people should be able to relate and you have to be true to the audience.

“That’s the reality show concept and we’re open to that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN