Iñigo Pascual says ASAP encounter with KC Concepcion is no big deal

Inigo Pascual on possible reconciliation between his dad Piolo Pascual and KC Concepcion: "Choice naman ni Papa yun. Our deal is done, that’s his choice, that’s his life. I would want to choose my own girlfriend once I’m at the right age. So, when the time comes, it’s his choice. Kahit na sabihin ko na ayaw ko, kahit sabihin ko na gusto ko, it’s still his choice."


Nag-trending sa social media ang pagsasama ng young actor na si Iñigo Pascual at ang actress-TV host na si KC Concepcion sa isang segment ng ASAP 20 a few weeks ago.

Isang malaking dahilan kung bakit ito nag-trending ay dahil sa kaugnayan ng dalawa.

Si Iñigo ay anak ni Piolo Pascual, na dating boyfriend naman ni KC.

Nakaagaw rin ng pansin ang pahayag ni KC na maganda ang naging pagpapalaki kay Iñigo.

Read: KC Concepcion compliments son of ex-boyfriend Piolo Pascual: "Pinalaki ka nang maayos."

Ngunit para kay Iñigo, hindi dapat gawing big deal ang pagsasama nila ni KC sa isang frame o ang pagpapalitan nila ng spiels.

Sabi ng binata sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “That spiel that we are working, there’s nothing wrong with that.

“I don’t think it should be a big issue, but it’s cool that people are liking the way things are now.”

Bago pa man ang kanilang pagsasama sa isang segment ng ASAP, nabanggit ni Iñigo na nagkaayos na sila ni KC sa debut party ni Julia Barretto.

Lahad niya, “Una kaming nag-hug sa sa birthday ni Julia, ang unang nag-ano sa amin…

“Kasi, parang I don’t know how to approach her, she doesn’t know how to help me as well.

“Siyempre, mayroong tension, may ilangan, si Teacher Georcelle [of G-Force] yung naging tulay.

“We hugged and she said, ‘I’ve always wanted to do that.’

“Sabi ko naman, ‘Thank you po.’

“It felt like it’s time to let go of the past, you should not hold grudges with people, and it’s not gonna help if we do live in the past.

“It shouldn’t be a problem anymore, we need to grow up and be mature.”


CLARIFICATION. Nilinaw naman ni Iñigo ang usap-usapan tutol daw siya noon sa relasyon ng kanyang ama at ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “It wasn’t that I wasn’t rooting for her.

“It was like I wasn’t ready for my dad to be in a relationship because, sabi ko nga dati, I want to be able to maximize my time with my dad.

“That’s why I moved here as well while I’m working, I want to bond with him.

“Alam mo yung feeling na kinukuha yung time…

“Hindi naman sa selfish ako, pero as a son, I grew up in the States, so I want to be able to really make up for the time that we lost.”

Ano naman ang masasabi niya sa espekulasyonng posibleng magkabalikan sina Piolo at KC, lalo na ngayong hiwalay na ang aktres at si Paulo Avelino?

Pahayag ni Iñigo, “Hindi ako ang makakasagot niyan, si Papa ang makakasagot niyan.

“Pero for me, choice naman ni Papa yun.

“Our deal is done, that's his choice, that's his life.

“I would want to choose my own girlfriend once I’m at the right age.

“So, when the time comes, it’s his choice.

"Kahit na sabihin ko na ayaw ko, kahit sabihin ko na gusto ko, it’s still his choice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN