Ai-Ai delas Alas reveals why she switched networks: “Ayoko nang may patunayan pa.”

Ai-Ai delas Alas reveals the kind of working environment that she wants: “Gusto ko na lang ng happy working, happy ambiance, positive.”


Gumawa ng grand entrance si Ai-Ai delas Alas sa press presentation ng cast ng Let the Love Begin, ang pinakabagong primetime teleserye ng GMA Network.

Lumabas si Ai-Ai na naka-cotume ng Khaleesi, isa sa mga karakter sa sikat na Hollywood TV series na Game of Thrones.


Tampok sa Let The Love Begin ang tambalan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Kasama rin sa cast sina Gina Pareño, Donita Rose, Gladys Reyes, Mark Anthony Fernandez, at Gardo Versoza.

Sa isang punto ng event, kapansin-pansing medyo naluluha si Ai-Ai, kaya tinanong siya ng press tungkol dito sa one-on-one interview.

Paliwanag ng 50-year-old actress-comedienne, “Siguro kasi, sa edad ko ngayon, alam mo yung hindi ako bagets, kahit hindi ako loveteam, binibigyan ako ng importansiya ng istasyon, binibigyan ako ng magandang welcome.

"And napaka-blessed ko na nararanasan ko pa 'yon at my age."

Nitong April 16, nagkaroon ng formal welcome kay Ai-Ai sa kanyang pagbabalik sa GMA pagkatapos ng may 16 na taon sa ABS-CBN.

Read: Ai-Ai delas Alas signs two-year exclusive contract with GMA Network

Tanong kay Ai-Ai: Na-miss ba niya ang pagbibigay sa kanya ng importansiya?

Pag-amin niya, “Oo, medyo nami-miss ko naman.

"Pero ganun talaga ang buhay—ups and downs—minsan talaga nasa taas, minsan nasa baba.

“Umiikot naman ang mundo.

“Parati kong sinasabi sa lahat ng interview ko, being in show business at ang pag-aartista ng isang tao ay bigay ng Diyos, ang talent ay bigay ng Diyos.

“Siya lang ang puwedeng kumuha, Siya rin ang puwedeng magbalik.”


NO TO NEGATIVITY. May pressure ba sa kanya na isa siya sa bida ng Let The Love Begin?

Sagot ni Ai-Ai, “'Di naman. Wala na akong pressure.

“Isa' yon sa reason kaya lumipat ako. Gusto ko ng relaxed, chill lang.

“Modesty aside, ayoko nang may patunayan pa, ito na 'yon.

“Gusto ko na lang ng happy working, happy ambiance, positive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No to negatrons."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN