Lotlot de Leon says daughter Janine Gutierrez and Elmo Magalona are very much together

Lotlot de Leon will soon start taping for her new teleserye on GMA, and will be seen in an episode of Magpakailanman this Saturday, April 25.


Kumalat ang isyu na break na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona.

“Bakit nga,” ang reaksiyon ng ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Wala naman raw sinasabi kay Lotlot ang kanyang anak.

“Tinanong ko nga siya e pagkatapos na may nag-text sa akin na tinatanong nga, sabi niya, ‘No, mama!’

“Sabi ko, 'Bakit may ganun?'

"Sabi niya, ‘Ewan ko.’ Sabi niya, ‘We’ve not broken up naman.’

“Nung isang araw magkasama pa sila sa birthday nung anak ni Sunshine Dizon.”

Samantala, ayon pa rin kay Lotlot, may upcoming show na si Janine sa Kapuso Network.

“Proud,” ang bulalas naman ni Lotlot nang tanungin namin kung ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niyang kaliwa’t-kanang magazine covers and pictorials ni Janine.

“At saka, gusto na niya yung ginagawa niya. Mahal na niya!

“Hindi kagaya siguro nung una na parang nangangapa siya, parang subok lang.

“Trial and error kasi alam naman niyang may fallback siya, e.

“Bilang graduate naman siya, dean’s lister sa Ateneo [De Manila University].

"She can go to any country and work or even here, or put up her own business.

“But she tried to be an actress, an artist, so siguro nung una dahil hindi naman…

“She’s not used to waking up early and going to work and going home the following day.

“Hindi, e. Hindi ganun ang buhay niya e even if she grew up with parents who have that job.

"Her life was very normal. Different from ours. So siya, school, bahay, friends, ganun.

“Hindi niya alam yung hirap na kasama dun sa pagiging artista.

“So nung una siguro, inisip niya, susubukan ko, medyo nahirapan.

“’Tapos medyo hindi ganun ka-steady yung trabaho, dun niya na-realize na, ‘This is what I want to do!

“So I really think now, she puts her heart into everything she does, yung projects na ginagawa niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama ni Janine ay si Ramon Gutierrez at matagal na itong hiwalay kay Lotlot.

SUPPORTIVE MOM. Dahil sa kasipagan ni Janine at sa pagtanggap ng publiko sa kanya, isa siya sa mga itinuturing na prinsesa ng GMA.

“Good,” ang simple at tumatawang ng sagot ni Lotlot nang hingan namin ng reaksiyon tungkol dito.

“But she really needs to prove hersef talaga, that she’s deserving of that.

“That’s why I think she’s also working very hard now.

“And maraming pangarap si Janine, e! Marami siyang gustong gawin.

“She wants to do an indie film, she wants to do commercials, she wants to do a movie, marami.”

Hindi pa nakakagawa kahit isang pelikula si Janine.

“May mga na-offer naman sa kanya but we had to say no to them kasi we’re really looking for a good project for Janine.

“Yung talagang tama for her. Kasi madaling gumawa ng pelikula, e.

"Pero something that will make her shine, not only her as Janine but her as an actress, Janine as an actress, that’s different.

“So we’re waiting for that.”

Si Lotlot naman ay may gagawing drama series a GMA pero hindi pa niya alam ang mga eksaktong detalye nito.

Ngayong Linggo, April 26, ang story conference para sa nasabing serye at sa huling linggo ng Abril ang una niyang taping.

Bukod pa rito, may guesting ni Lotlot sa "Kapatid Sa Ina" episode ng Magpakailanman hosted by Mel Tiangco.

Kasama sa episode sina Jake Vargas at Kiko Estrada, Carl Acosta, Joanna Marie Tan, at Luz Fernandez.

Mula sa direksyon ni Albert Langitan, mapapanood ito sa April 25 pagkatapos ng Pepito Manaloto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN