Toni Aquino joins mom Ruby Rodriguez in showbiz

“I plan to become a very versatile actress, ’yong kahit saan mo ilagay, magagawa niya. Siyempre, I don’t want to live in the shadow of my mom,” says Toni Aquino, daughter of Ruby Rodriguez, about what she wants to happen in her showbiz career.


Noon pa man daw ay gusto na ni Toni Aquino na maging bahagi ng showbiz katulad ng kanyang inang si Ruby Rodriguez.

“I also love to act po kaya super happy ako na nabigyan ako ng break ng TV5,” sabi ng 16-year-old newbie actress sa press conference ng pagbibidahan niyang Wattpad Presents: Lala Laitera kagabi, April 24.

Kuwento pa niya, “When I was younger po, I wanted to be a dancer po. Pero sabi ng mom ko, 'Wala ka namang mapapala diyan, anak.'

“So I tried to be where I wanted to be. I tried writing, which is one of my favorite pastime po.

“Then, as I grew older, I realized that, yes, I do wanna become like my mom. I want to follow her career.”

Dagdag pa niya, “Siyempre, gusto ko po talaga. And I wanna try it rin po and see where it gets.

“With the help of mom, always na sinasabi niya to stay focus on your school. 'Yong career is just an inspiration to do well, not an expiration.”

Bagamat nakikita na noon si Toni sa TV kapag may special episode ang Eat Bulaga! ay hindi naman siya pinapayagan pa noon ng kanyang nanay na si Ruby na mag-full time sa showbiz.

Hinintay raw muna ni Ruby na makatapos ng high school ang kanyang panganay na anak na ngayon ay incoming freshman na sa U.P. Manila.

BE DIFFERENT. Katulad ng ibang anak ng mga artista na pinapasok din ang showbiz, gusto ni Toni na makilala siya hindi lamang dahil anak siya ng komedyanang si Ruby Rodriguez.

Aniya, “I plan to become a very versatile actress, 'yong kahit saan mo ilagay, magagawa niya.

“Siyempre, I don't want to live in the shadow of my mom.

“I wanna make something that my parents will be proud of and my brother will look up to me and say, 'That's my ate.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just wanna make them proud.”

Joining Toni in Lala Laitera are her mom Ruby Rodriguez and Carl Guevara. @pepalerts

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) onApr 24, 2015 at 3:55am PDT

Paano kung may mang-bash sa kanya at sabihing nakapasok lamang siya dahil sa kanyang ina?

Simpleng sagot ni Toni, “Siyempre naman po siguro masasaktan din ako, pero let it slide.

“Hindi naman po nila alam kung ano ang kaya kong gawin. I'll just prove them wrong.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN