Gabbi Garcia admits to being maarte "pero hindi ako yung maarte na may attitude”

Gabbi Garcia on closeness with loveteam partner Ruru Madrid: “Siyempre po, kung special ako sa kanya, special din naman siya sa akin. Siyempre, nagsimula kami as magka-loveteam lang sa My Destiny. Nagsimula kami as zero lang, hindi kami nag-uusap. Hindi ko alam kung naaartehan siya sa akin.”


Simula May 4, gabi-gabi na mapapanood ang Kapuso teen star na si Gabbi Garcia sa Let The Love Begin (LTLB), kung saan makakatambal niya si Ruru Madrid.

Tuwing Linggo naman ng hapon ay nasa InstaDad siya.

Sa dalawang programang nabanggit, magkasalungat na magkasalungat ang dalawang karakter niya.

Isang tomboy at masasabing kikay sa InstaDad, babaeng-babae naman siya sa LTLB.

Hindi ba mahirap para kay Gabbi ang mag-switch mula sa dalawang magkaibang karakter?

“Opo nga.

“Sa InstaDad, tomboy ako. 'Tapos nang makita ko ang character sketch namin sa Let The Love, grabe, coño girl, maarte.

“Ako, MWF ang taping namin sa Let The Love 'tapos sa InstaDad, Thursday or Saturday. Parang ako, 'Shucks, kailangan ko talagang mag-internalize.'

“Mahirap kasi kapag nagti-taping ako ng InstaDad, nadadala ko siya kahit umuuwi ako.

“Kapag nagle-Let The Love naman ako, bumabalik ang pagka-coño ko.”

Coño nga ba siya sa totoong buhay?

“Tanungin niyo po si Ruru noong una kaming nagkita,” natawang biro niya.

Sabi naman niya, “Siguro kasi ako, I grewup in an environment na...hindi ko naman masabing kolehiyala, pero yung friends ko po kasi, we’re all from St. Paul [College], all-girls.

“'Tapos, I grew up with a family na medyo ganun din, from St. Paul din. Yung grandparents ko, from La Salle.

“So medyo na-adapt ako sa ganung environment. When I entered showbiz, nag-adjust din ako.”

ADJUSTMENTS. Kinumusta naman namin si Gabbi kung ano ang mga adjustments na ginawa niya nang pasukin ang showbiz.

Ayon dito, “Siyempre, nandoon kasi yung hindi matatanggal yung...kunwari meron akong role na mahirap or cowboy like sa InstaDad nga, yun ang challenge sa akin.

“Kailangan kong tanggalin ang twang ko. Yun ang palaging sinasabi ng director sa akin, ma-twang ako.

“Marunong akong mag-Tagalog. Sobrang magaling akong mag-Tagalog, pero meron akong yun nga.”

May mga nagsasabi ba sa kanyang maarte siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po, yung nagsasabing maarte ako, hindi naman maiiwasan yun. Aminado ako na may pagka-maarte ako, pero hindi ako yung maarte na may attitude,” saad niya.

SOCIABLE. Morena, maganda at very “girl” talaga ang dating ni Gabbi.

Kung titingnan siya, alam mong hindi siya katulad ng ibang artista na ang madalas na “background” ay galing sa mahirap na pamilya, at gustong maiahon sa hirap ang pamilya nila.

Paano niya magagawang burahin ang impresyon sa kanya ng nakararami na tipong sosyal talaga siya, at mahihirapan siyang maabot ang masa dahil dito?

Paliwanag niya, “Ako naman po kasi, madali naman akong mag-adjust sa tao.

“I’m a people person. Sobra 'kong mahilig akong mag-socialize.

“Kumbaga, i-leave mo 'ko sa isang kuwarto with people, kaya kong mag-make friends.

“Madali lang sa akin para mag-adjust.

“Kung anong klaseng tao ka, kung kailangan ba ganitong level kita kakausapin, ganoon naman po ako.

“Feeling ko naman, hindi ako magkakaproblema sa ganun.”

RELATIONSHIP WITH RURU. Diretsahan naman naming tinanong si Gabbi sa estado ng pagkakaibigan nila ng ka-loveteam na si Ruru.

Sinasabi ni Ruru na hindi pa talaga sila at hindi pa rin daw siya nililigawan nito.

Pero hindi niya ikinakailang parang nale-“let the love begin” na nga raw ito kay Gabbi.

“Talaga, sinabi niya?” natawang sagot naman ni Ruru.

Yun nga lang, kung mauwi man sa totohanang relasyon ang pagiging malapit nila ngayon, malaking hadlang sa kanila ang pagiging Iglesia ni Cristo ni Ruru at pagiging Katoliko naman niya.

Tila hindi yata kayang i-give up ni Ruru ang relihiyon nito para sa pag-ibig.

“Hala, wala naman pong ganyanan. Wala pa naman po kami sa level na ganun,” pagklaro niya.

Kung isasakripisyo ni Ruru ang relihiyon nito para sa kanya, ano ang masasabi niya?

“Basta ako, kung ano ang gusto ng puso niya, kung saan siya masaya. But wala pa namang nangyayari sa amin so far,” giit nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panig naman niya, handa ba siyang isakripisyo rin ang relihiyon niya sa tawag ng pag-ibig?

“Sa ngayon po, hindi ko po siya masasagot. Siguro sobra pa po akong bata.

“Kulang pa ko sa experiences para masagot ko yung ganyang klase ng tanong. Kasi as of now, sobrang faithful ako sa religion ko. I love my God. At alam niya yun at siya rin, faithful sa religion niya,” pahayag pa niya.

RELIGION NOT AN ISSUE IN RELATIONSHIP. Naisip niya ba minsan na bakit magkaiba pa kasi sila ng relihiyon ni Ruru?

Paglinaw niya, “Siguro as of now, hindi pa naman siya humahadlang sa aming dalawa.

“We’re friends, we’re just friends. So hindi pa naman dumarating sa point na about religion na ang pinag-uusapan namin.

“Basta kami, we respect each other’s religion. Basta ako, alam ko ang sked niya kapag sumasamba siya. Alam niya ang sked ko kapag nagche-church ako.”

Niyaya na ba siya ni Ruru minsan na makasamang magsamba?

“Niyaya? Nagkukuwento lang siya sa akin,” aniya.

Dugtong pa niya, “Siguro in terms of religion, hindi ko pa siya masagot.

Nararamdaman naman niyang espesyal siya kay Ruru o in-love na ito sa kanya?

Ani Gabbi, “Special oo, nararamdaman ko. Importante...”

Binigyan nga siya ng bulaklak ni Ruru araw-araw sa loob ng 16 days noong 16th birthday niya.

“Siyempre po, kung special ako sa kanya, special din naman siya sa akin. Siyempre, nagsimula kami as magka-loveteam lang sa My Destiny.

“Nagsimula kami as zero lang, hindi kami nag-uusap.

“Especially noong mga unang days, hindi talaga kami nag-uusap. Hindi ko alam kung naaartehan siya sa akin.

“Hindi rin namin ine-expect na magiging ganito kami ka-close,” pag-amin niya.

LUCKY BREAK. Alam ni Gabbi na anumang nangyayari sa career niya ngayon ay hindi nakukuha ng karamihang baguhan pa lang din sa industriya na tulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang taon pa nga lang ang bilang ni Gabbi simula nang pasukin niya ang showbiz, pero heto’t pinagkatiwalaan na siya ng GMA-7 na maging bida sa primetime series na Let The Love Begin.

Sabi nga ni Gabbi, “Siyempre po, napaka-surreal po ng lahat ng nangyayari.

“Especially, lahat naman po ng teen artists, actually, lahat ng artista, dini-dream na magkaroon ng ganito kalaking project.

“Especially po na kaka-one year ko pa lang sa showbiz. Very fresh, very new pa lahat sa akin.

“Hindi pa nagsi-sink-in lahat sa akin kaya very blessed ako na pinagkatiwalaan ako ng GMA na ma-entitled sa ganitong project...

“Especially with the powerhouse cast, with the director, with Ruru and mas okey pa kasi, kasama ko si Ruru.

“'Tapos with Ms. Ai-Ai delas Alas, Ms. Gina Alajar, Ms. Gina Pareño, grabe, sobrang overwhelming.”

DESERVING? Paano nga ba niya makukumbinse na siya nga ang karapat-dapat na ilunsad ng Kapuso network at bigyan ng ganitong pagkakataon sa hanay ng mga Kapuso artists?

Ayon kay Gabbi, “Kasi po ako, in everything that I do, I put my heart into it. Talagang ipinupuso ko ang mga bagay.

“In every opportunities that I get, I make sure that I do my best. And siguro naman po, sa mga past projects ko na nagawa, talagang ipinakita ko talaga na ginawa ko yung best ko.”

FUTURE BEAUTY QUEEN? Halos lahat yata, nagsasabing sana kapag nasa tamang edad na siya, sumali siya sa Bb. Pilipinas.

Ngayon ay 16 anyos pa lang ito.

Maging ang co-star niya sa Let The Love Begin na si Gladys Reyes ay sinasabi raw sa kanya yun.

“Ay opo, sinasabi niya sa akin,” nakangiti niyang sabi.

“Yes, sobrang open naman po ako sa Binibini...” ang sabi ng dalagita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN