Elmo Magalona admits to being very insecure of himself: “Part of growing up stage na I felt that way.”

Ngayong 21 na raw siya, gusto ni Elmo Magalona na baguhin na ang pagiging insecure niya sa sarili. Gusto na rin ng binata na magkaroon ng maraming charitable works upang maibahagi ang kanyang mga blessings sa buhay.


Gusto nang baguhin ni Elmo Magalona ang mga pananaw niya sa buhay.

Marami raw kasi siyang insecurities sa sarili nitong mga nakaraang taon pero sa tingin niya ay bahagi naman daw ito ng kanyang growing-up stage.

Kuwento ni Elmo, “At 21, marami akong parang regrets siguro in the past na…I’m very insecure kasi to be honest.

"Insecure with myself.

"Part of growing up stage na I felt that way.

“And now parang I am happier with my life, and I don’t wanna take advantage of the time that I have. So I just wanna live more.”

Sa Lunes, April 27, ang ika-21 kaarawan ni Elmo. Pero bago pa man ang kanyang mga bonggang selebrasyon, naisip ni Elmo na magdaos ng isang clean-up drive sa Freedom Island, isang bahagi ng Manila bay.

Lahad ng GMA star, “It’s something special for me. And hindi ko pa nakita itong part na ito ng Manila Bay. Eye opening lang, parang nakakapanibago.

"Parang hindi ko mapagsama yung word na malinis at Manila Bay so ngayon, nakikita ko silang dalawa, it's peaceful at nakaka-relax.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at 24 Oras ng GMA News si Elmo umaga nitong Sabado, April 25, bago siya sumabak sa paglilinis sa Freedom Island, sa may Parañaque.

Ito ay bahagi ng kanyang birthday charity kasama ang mga representatives ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) at ilang mga taga-suporta.

(Photo by Noel Orsal)


BIG SHOWBIZ PARTY? Magkakaro'n ba siya ng malaking party bilang ito na ang hudyat ng kanyang pagkabinata?

Ang edad kasi na 21 ang itinuturing na debut ng isang lalaki.

Tugon niya, “Pinaplano ko pa po e,wala pa naman. I’m fixing the schedule pa.

“This is one of my parties. I want to have a lot of parties. I’m not saying naman na hindi na ako magsi-celebrate for the rest of the year pero this is one of the ways na gusto kong maging special yung 21st birthday ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang wish niya para sa kanyang birthday?

Sagot nito, “I’ve always been reactive sa lahat ng mga decisions ko sa everyday life ko. Pero this time, I wanna be more pro-active sa maraming bagay.

“So I wanna start this year with this program, with this cleaning program partnered with DENR.

"'Tsaka yun, kaya ko napili ito this year kasi I’ve never done this. First time ko 'to gagawin. So, it’s a nice experience."

(Photo by Noel Orsal)

Ano naman ang plano niyang selebrasyon kasama ang girlfriend na si Janine Gutierrez?

Nakangiti niyang tugon, “A , kasama ko nga siya kahapon, e. Nagkaroon ako ng party with Janine-Elmo fanatics.

“Hindi ko akalain na pupunta rin siya. Wala naman siya sinabi sa akin na pupunta siya, tinanong ko siya kung ano ang gagawin niya kahapon, 'tapos sinabi lang niya na may schedule daw siya.

"Out of the blue, bigla na lang siyang lumabas dun sa party.


"Sa aming dalawa, baka mag-beach kami next month.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN