Ruru Madrid denies budding romance with Gabbi Garcia: “Sobrang espesyal lang po talaga sa akin ni Gab.”

Ruru Madrid gushes about the thoughtfulness of loveteam partner, Gabbi Garcia: “Sobrang maaalalahanin. As in, hindi ‘yan kakain hangga’t hindi niya alam na hindi pa ’ko kumakain. Halimbawa, patulog na siya, ite-text niya muna ko. ’O Ru, patulog ka na.’ Kapag sinabi kong hindi pa, sasabihin niya, ’O sige, hintayin na kita.’”


Hindi maikakaila ni Ruru Madrid na kahit pareho pa silang mga teenagers ng ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia ay may malakas na atraksyon na talaga siya dito.

Sabay silang nilu-launch bilang mga bida sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Let The Love Begin, na magsisimula nang mapanood sa May 4.

Pero nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ruru sa press conference ng bago nilang serye noong April 23 sa Studio 6 ng GMA-7, sinabi nitong espesyal man si Gabbi sa kanya, talagang magkaibigan pa lang daw sila.

Hindi rin naman ikinaila ni Ruru na kung sakali, ang pagkakaiba ng relihiyon nila ay posibleng malaking hadlang para maging sila.

Alam ba ni Gabbi na may gusto si Ruru sa kanya?

“Hindi ko po alam kung alam niya, siguro po, mas pagkakaibigan po ang umaangat sa aming dalawa,” saad ni Ruru.

Masasaktan ba siya kung sakali at may ibang manligaw rito?

“Kung sakali man po na may ibang manligaw kay Gab, okey lang po sa akin, kasi wala naman po akong karapatan na pigilan yun, kasi hindi ko naman po siya pagmamay-ari.

“Para sa akin, kung saan po siya masaya, doon din po ako. Pero kung ako po ang pamimiliin, magiging masaya po ako kung saka-sakali at siya ang magiging girlfriend ko in the future,” saad niya.

DIFFERENCES IN RELIGION. Isa siyang miyembro ng Iglesia ni Cristo at si Gabbi naman ay isang Katoliko.

Magiging hadlang kaya ito sa kung ano mang relasyon ang umusbong sa darating na panahon?

“Kung kami naman po ang nakatadhana sa isa’t-isa, mangyayari po yun,” positibo niyang sagot.

Nagkaroon na ba ng girlfriend si Ruru?

“Mga puppy-puppy love po,” pag-amin ng binata.

Hindi naman ikinakaila ni Ruru na masayang-masaya siya dahil siya ang naging ka-loveteam ni Gabbi.

Aniya, “Masayang-masaya ako kapag kasama ko si Gabs.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya nang natatawa, sabay tingin kay Gabbi kahit malayo ito sa kinalulugaran niya, “Grabe, nale-'let the love begin...'”

A LOVETEAM THAT CLICKS. Sa isang banda, marami na rin namang teen loveteams sa ngayon.

Pero sila ang isa sa mapalad na pinagkatiwalaan ng network na mabigyan ng isang primetime series.

Kung tatanungin siya, paano niya nakikitang “maibebenta” ang loveteam nila kumpara sa iba?

Pagmamalaki niya, “Sobrang ano po namin, sobrang natural.

“Sabi po ni Direk Gina Alajar sa amin noong kinukunan niya kami, 'In fairness, sa inyo, kinikilig ako.'

“'Huwag niyong masyadong ipilit na magpakilig kasi, yung natural niyo pa lang.'”

Baka naman kasi lumalabas yung totoong nararamdaman nila?

“Yun na nga po, e,” natatawang sagot niya.

“Pero masaya po talaga ko na kasama ko si Gab.”

GABBI'S ENDEARING TRAITS. Ano nga ba ang mga katangian ni Gabbi na nagugustuhan niya rito bukod sa maganda ito?

Kuwento ni Ruru, “Si Gab, sobrang magaling pong kumanta. Sobrang maaalalahanin. As in, hindi ‘yan kakain hangga’t hindi niya alam na hindi pa 'ko kumakain.

“Halimbawa, patulog na siya, ite-text niya muna ko. 'O Ru, patulog ka na.'

“Kapag sinabi kong hindi pa, sasabihin niya, 'O sige, hintayin na kita.'”

Ano yun, may M.U. (mutual understanding) na sila?

Pagmamalaki niya, “Hindi ko po alam, sobrang sweet po niya, as in sobrang sweet.”

M.U. na nga ba sila?

“Kami po? Sobrang espesyal lang po talaga sa akin ni Gab. As in, sobrang espesyal,” diin niya.

IDOLS. Simula nang matapos ang Protege, naging maganda ang takbo ng career niya.

Lumabas siya sa ilang teleserye, nakapagbida na rin siya sa ilang indie films, tulad ng Bamboo Flowers at Above the Clouds, at kasalukuyan niyang ginagawa ngayon ang Sugo.

Sino ang mga iniidolo niyang artista?

Ayon kay Ruru, “Siyempre po, si Tatay Ipe [Phillip Salvador], mentor ko po sa Protege. Si Robin Padilla, si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko po talagang mag-action, si Robin po talaga ang idol ko. Pagdating po sa drama, si John Lloyd po. Sobrang hinahangaan ko po siya.”

INDIE FILM NOMINATIONS ABROAD. Ang ginawang indie movie ni Ruru na Above the Clouds, kunsaan kasama niya ang Pinoy Rock icon na si Pepe Smith, ay nailahok na sa iba’t ibang international film festivals.

Nakasama rin daw siya sa nominasyon bilang pinakamahusay na aktor.

Kuwento niya, “Nanggaling po kami last year sa Japan at Singapore at na-nominate po ako dun for best actor. Kaso, hindi ko po nakuha, e.

“Sa Tokyo International Filmfest at sa Singapore International Film Festival.”

Ang nanalo raw ay galing ng Cambodia.

Panghihinayang niya, “Mahirap pong manalo dahil yung best actor po niya, pinag-isa po. Sinama na rin ang best actress kaya parang best performance lang.”

Ang paggawa naman daw ng mga indie films ang isa sa mga gustung-gusto rin niyang gawin.

Sabi nga ni Ruru, “Sobrang gusto ko po kasi, parang doon mo lang maipapakita ang pagiging natural at totoong buhay ng mga tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN