Ai-Ai delas Alas on former friend Kris Aquino: “Tapos na yun. Tapusin na natin yun kasi magkalayo na kami.”

Ngayong magkaiba na raw sila ng istasyon, nais ni Ai-Ai delas Alas na tapusin na ang isyung namagitan sa kanila ni Kris Aquino, na itinuturing na niyang “former friend,” ayon sa kanyang mga naunang panayam. Magkalayo na raw sila kaya tapos na kung anuman ang mga intrigang namagitan sa kanila.


Naging live guest si Ai-Ai delas Alas sa Startalk ngayong hapon ng Sabado, April 25.

Isinalang ang Comedy Queen sa isang tanungan na may kaakibat na mga larawan ng mga personalidad na naging bahagi ng kanyang buhay bilang artista.

May tatlong pamimiliang sagot si Ai-Ai sa bawat larawan: Ai Love It, Ai Don’t Like, at Ai Don’t Care.


BOY ABUNDA. Unang larawang ipinakita sa 50-year-old comedienne ay ang sa manager niyang si Boy Abunda.

Sabi niya, “O, Ai Love it. Mahal na mahal ko ‘yan kasi ama ko ‘yan. At never niya akong pinabayaan.

"At until ngayon, inaalagaan pa rin niya ako.”


WILLIE REVILLAME. Ang larawan naman ni Willie Revillame ang sumunod na ipinakita.

Sabi niya, “O, Ai Love It. Gusto ko ‘yan.

"Kasi yung pagsasamahan namin kagaya nung dati, nung nawalan siya ng show, ‘Hi, hi,’ kami, na ganyan, ‘Nandito lang ako for you.’

“At siya din naman ‘pag may pinagdadaanan ako, siya yung unang nagbigay ng bag sa akin. Nung LV [Louis Vuitton] nung pumunta siya sa bahay. Nung nahiwalay ako.”


ROBIN PADILLA. Kasunod na larawan ay ang kay Robin Padilla.

Natatawa si Ai-Ai dahil sinabi ng host na si Lolit Solis na, “Ai Love It pa rin, aminin mo ‘yan. Nagkaroon kayo.”

Sagot ni Ai-Ai, “Ano ba ‘yan Tita Lolit, may asawa na yung tao.”

Pero inulit ng isa pang host na si Joey de Leon ang tanong.

Sabi niya, “Ulitin natin, Robin Padilla.”

Sagot ni Ai-Ai na natatawa, “Ai Don’t Know.”

Sabat ni Lolit, “Uy, nagsisinungaling ka, denial queen.”

Baling ni Ai-Ai na humahalakhak, “O, para masaya ka Tita Lolit, Ai Love It.”

Sabi ni Lolit, “Pero, Ai Love It talaga ang naranasan mo sa kanya?”

Tugon nito, “Ano ba ‘yan, Tita Lolit, wala yun. Friends lang yun.”

Sabad muli ni Lolit, “Fling lang yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Ai-Ai na natatawa pa rin, “Oo, kung anuman yun.”

EUGENE DOMINGO. Kasunod na larawang ipinakita sa kanya ay ang sa komedyanang si Eugene Domingo.

Sabi niya, “A, Ai Love Eugene Domingo kasi bestfriend ko’yan, hindi lang sa pelikula, parati kong ka-text ‘yan.”

Dito na pumasok ang isa pang tanong ni Lolit. Aniya, “Yung totoo, sino sa inyong dalawa ang totoong nagkarelasyon sa babae?”

Sabi ni Ai-Ai, “Ano ba ‘yan, Tita Lolit, masama ‘yang mga tinatanong mo. It's beyond my principle,” sabay pakawala ng malutong na halakhak.

“It’s beyond my principle, nagbagong buhay na ako. Ano ba, Tita Lolit, nakakaloka ka naman.

"‘Yang question na ‘yan, Ai Don’t Know, Ai Don’t Like it, and Ai Don’t Care.”

KRIS AQUINO. Ang isa pang larawan ay ang sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sabad muli ni Lolit, “O, magtapat ka, pinaplastic ka nun. Pinaplastic ka nun.”

Sabi ni Joey, "Bayaan mong sumagot.”

Banggit niya, “Ano ba ‘yan. E, ‘di ano, none of the above.

"Kasi siyempre ‘pag sinabi niyong Ai Love It, sasabihin ni Tita Lolit, plastic ako.

“’Pag sinabi ko namang Ai Don’t Care, sasabihin namang masama ang ugali ko.

“’Pag sinabi kong Ai Don’t Know, tatanga-tanga ako.

“E, ‘di none of the above.”

Saad ni Lolit, “Parang ibig sabihin, non-entity siya? Balewala lang?”

Buwelta ni Ai-Ai, “Ewan ko sa ’yo, Tita Lolit, ang tseke.”

Saad naman ni Lolit, “Ay, oo nga pala. ‘Di bale, pag sa loob ng simbahan puwede mo siyang plastikin, pag sa labas…”

Sabi ni Ai-Ai, “Hindi naman. Tapos na yun. Tapusin na natin yun kasi magkalayo na kami.

"Nandito na ako sa dati kong bahay, nandun siya sa kabila. Taga-Mother Ignacia siya, taga-Timog na ako.”

GERALD SIBAYAN. Ang huli namang larawan ay ang sa live-in partner niyang si Gerald Sibayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo may kilig na sabi ng komedyana, “Siyempre naman, Ai Love It.

"Siyempre mahal ko naman yung tao kahit marami kaming pinagdadaanan.

“Huwag natin siyang i-judge kasi unang-una hindi naman siya taga-showbiz.”

Biro pa nito, “Huwag natin siyang i-judge kasi hindi naman siya book, at hindi naman kayo judge. Ang magda-judge lang sa kanya ay judge at saka book.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN