Donita Rose on her ’initiation’ into drama roles: “I think it’s starting to build up my confidence again in acting.”

Donita Rose admits that she had always been hesitant about doing drama roles—until she was offered a kontrabida role in Let The Love Begin: “When the role was offered to me, I was in shock and I thought, ‘You know what? I want to be challenged with something new. Let’s do it!’ So, kinakabahan ako, hindi ko lang ipinapakita sa kanila. Pero I’m so scared out of my wits! I don’t know, parang I should


Pinakaunang drama series ni Donita Rose ang Let The Love Begin ng GMA Network.

Ang huli niyang ginawang proyekto ay ang morning talk show na Basta Everybody Happy na nagtapos nitong Enero.

Sabi ni Donita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “This is my first soap.

“Ayoko talaga ng drama dati, e.

“Well, before, siyempre nakagawa ako ng thirty-six movies in my younger days. My last movie was Nine Mornings with Piolo Pascual in 2003.

“Tapos, yun yung time na nasa MTV ako and, you know, I started being acknowledged more as a TV host and focusing on comedy, kasi yung Ober Da Bakod dati.

"And then it kinda evolved into more of light entertainment.

“When I was sixteen, I did an acting workshop and pinapaiyak nila ako.

“Siyempre, wala pang pinagdaanan sa buhay, e, so medyo na-trauma ako sa workshop.

“And then, after that, I didn’t really wanna do drama anymore.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon para sa grand launch ng Let The Love Begin noong Huwebes ng gabi, April 23, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

BAPTISM OF FIRE” AS DRAMA ACTRESS. Nakagawa si Donita ng isang massacre movie dati, ang The Lilian Velez Story na pinagbidahan ni Sharon Cuneta.

Drama iyon, 'di ba?

“Isang araw lang, patay na ako, e!” ang tumatawang bulalas ni Donita.

Pero kahit ayaw sana ni Donita ng drama series ay tinanggap niya ang Let The Love Begin dahil nasa show rin ang matalik niyang kaibigan na si Gladys Reyes, na kasama rin niya dati sa Basta Everyday Happy.

“Tapos, nagdyu-joke kami na balang-araw, sasalang ako sa isang soap, magkokontrabida ako.

“When the role was offered to me, I was in shock and I thought, ‘You know what, I want to be challenged with something new. Let’s do it!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kinakabahan ako, hindi ko lang pinapakita sa kanila. Pero I’m so scared out of my wits!

"I don’t know, parang I should do workshops."

Pero sa trailer ng Let The Love Begin ay maganda ang acting na ipinakita ni Donita, lalo na sa eksenang nakunan siya.

“Ang sabi nga nila sa akin, light drama.

“Light drama nga... first scene ko, nag-away kaming mag-asawa, nakunan ako, first day taping!” at natawa si Donita.

“Nakunan ako, inilibing yung anak ko, sabi ko, ‘Light drama ba ito?’

“But so far, by the grace of God, I’ve been able to survive so far and I think it’s starting to build up my confidence again in acting.

“So, okay naman.”


OPEN TO MORE CHALLENGING ROLES. Kaya kung ngayon ay may mag-offer sa kanya ng isang heavy drama na project o indie film ay tatanggapin daw ni Donita.

“Yes, I would love to,” pag-amin niya.

Hindi pa raw nakakagawa ng indie movie si Donita.

Anong role ang hindi niya tatanggapin?

“Well, I have limitations,” aniya.

Tulad ng sexy scenes?

“Yeah, yung mga ganun.

“But I would be willing to play the role of a drug addict or something, basta merong redemption sa bandang huli.”

Kung rape victim ang role?

“Puwede rin,” pakli niya.

Pero dadayain daw ang rape scene.

“Siyempre, hindi naman ako gagawa ng eksena na hindi naman kailangan.

"But, kunyari yung role ko, rape victim or biktima ng war na, you know, things like that, I can play that,” pagsang-ayon niya.

May gagawin daw sana noon si Donita na isang international movie, kung saan isang rape victim na nabaliw noong panahon ng Hapon ang kanyang role. Tinanggap ni Donita ang offer pero hindi natuloy ang pelikula.

Doon daw niya nakilala ang dating aktres na ngayon ay acting coach nang si Anne Villegas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-acting workshop na raw siya kay Anne.

Ayon kay Donita, “Dun ko na-realize na may iba’t ibang methods ng acting na mas kaya ko.

“So, nung nalaman ko na si Anne ay nandito bilang acting coach [ng Let The Love Begin], nagkaroon ako ng peace of mind na kahit anuman ang mangyari, may tutulong sa akin.”


FIRST KONTRABIDA ROLE. Unang kontrabida role ever ni Donita ang papel niya bilang Celeste sa Let the Love Begin.

“Mahihirapan ako! I told Ms. Ai-Ai, sabi ko, ‘Ms. Ai-Ai, hindi ko alam kung papaano kita aawayin!’

“Pero sabi niya, ‘Kaya mo 'yan, 'day!’

“So okay! We know naman that this is a role that we’re playing, 'di ba?

“So it doesn’t mean na... I mean, all the more 'pag kaya kong gawin yung kontrabida

“Then, I think people will see na there’s so much to me than just being a TV host or a chef or a... you know, actress; that I can do deeper roles,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN