Sancho delas Alas fulfills dream of working with his mom Ai-Ai: "Idol na idol ko po siya bilang artista.??

A graduate of Culinary Arts, Sancho delas Alas has a purpose for entering showbiz. He relates, "Mag-aartista po muna ako, iwo-work ko po muna ito... mag-iipon. Hindi na ako hihingi kay Mama ng pang-restaurant ko po. Iyon po talaga ang plano ko sa buhay."


Masayang-masaya ang bagong Kapuso talent na si Sancho delas Alas na natupad ang pangarap niyang makatrabaho sa isang proyekto ang kanyang ina at Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas.

Magkasama sila sa upcoming primetime teleserye ng GMA Network, ang Let The Love Begin, kaya ??super thankful?? daw ang baguhang aktor.

Pahayag ni Sancho, ??Nabigyan po ako ng chance agad na maisalang.

"Ito po ang first project ko ngayong under contract na rin po ako sa GMA Artist Center.

??At saka excited din po ako kasi kasama ko rin po si Mama sa work.

??Dream ko po iyon talaga na makasama ako sa work ni Mama, kasi isa po ako sa mga super-duper fans ni Mama.

"Idol na idol ko po siya bilang artista."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sancho sa presscon ng Let The Love Begin noong Abril 23 sa Studio 6 ng GMA Network Center.

CO-STARS. Kung dati raw kasi ay nagkakasama lang sila ni Ai-Ai sa guesting sa mga talk show sa telebisyon, ngayon ay pareho silang artista sa naturang Kapuso teleserye.

??Ngayon po, parang iba naman na magkakaroon po ako ng chance na umarte kasama si Mama.

??So, super-looking forward po ako doon and super excited po ako dito sa Let The Love Begin.??

Nakapag-taping na raw si Sancho, pero hindi pa niya nakakasama sa eksena si Ai-Ai.

??Wala pa po kaming nakukunang eksena together kaya super-excited po ako na magkaroon ng eksena kasama si Mama.

??Pero yung unang scene na ginawa ko for the show, medyo kinabahan ako.

??Parang nakakapanibago po na nasa harap po ako ng camera.??

Nagkuwento pa si Sancho tungkol sa role niya sa teleserye na magsisimula na sa May 4.

??Ako po si Brownie, yung janitor sa radio station.

??Sa first part po ng series, boss ko po si Ate Gladys [Reyes].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

??Parang ako po yung gumagawa ng mga utos ni Ate Gladys para gumawa ng something kay Mama.

??Eventually, magiging close po yung character ko kay DJ Jeni, kay Mama.??

LONG TIME WISH. Matagal na palang gustong maging artista ni Sancho. Bakit natagalan bago niya ito nagawa?

Paliwanag niya, ??Ang tagal ko na rin pong nagpapaalam kay Mama na, ??Puwede ko po bang i-try mag-artista???

??Sabi ni Mama, ??Huwag muna.??

"Ang gusto kasi talaga ni Mama is makapagtapos po muna [ng pag-aaral].

??Nakapagtapos na po ako ng Culinary Arts sa CCA Manila kaya pumayag na po siya.??

Dahil nakatapos nga siya ng culinary arts, pangarap niya ring makapagpatayo ng sarili niyang restaurant. Pero uunahin daw muna niya ang pag-aartista.

Saad ni Sancho, ??Mag-aartista po muna ako, iwo-work ko po muna ito.

??At saka mag-iipon po muna ako kasi 'pag nagtayo po ako ng sarili kong restaurant, gusto ko po sariling pera ko na.

??Hindi na po ako hihingi kay Mama ng pang-restaurant ko po.

??Iyon po talaga ang plano ko sa buhay.??


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN