Ogie Alcasid reunites with Janno Gibbs on TV5; Regine Velasquez to follow?

Ogie Alcasid (right) on close friend Janno Gibbs’s transfer to TV5: "Siyempre, I feel good meron akong kaedad! At alam mo ‘yon… matagal ko nang kasama. So, masaya. I’m very very excited. I’m excited for him. At maganda… maganda itong change na ‘to."


Kuntento raw si Ogie Alcasid sa bakuran ng TV5.

May dalawa siyang shows dito ngayon—ang gag show na Tropa Mo ‘Ko Unli at ang talent search na Rising Stars.

Sabi ni Ogie, “Happy ako dito sa Happy Network. Sobra!”

Nabanggit din ng singer-comedian na magsasama silang muli ng kaibigan niyang si Janno Gibbs sa isang programa.

Kumpirmado nang umalis na rin si Janno sa bakuran ng GMA Network upang lumipat sa TV5.

Read:Janno Gibbs bids goodbye to GMA Network; reportedly moving to TV5

Banggit ni Ogie, “Soon, magsisimula na rin yung bagong show No Harm, No Foul na kami naman ni Janno Gibbs ang magkasama.

“Siguro in about one month, i-air na ‘yon.

“Excited ako dun sa show na gagawin namin ni Janno. Pinaghalong game, musical, at variety show ‘yon.

“Medyo kakaiba ito. Maganda siya, kasi nung nag-meeting kami at inilatag sa amin, maganda yung concept. Masaya!

“At ang alam ko, this May na ang airing nito.

“Meron din kaming ibang mga kasama sa bagong show namin sa TV 5, pero kami ni Janno yung main host.”

SUPRPRISED BY JANNO’S MOVE. Magkasama noon sina Ogie at Janno sa Sunday musical-variety shows ng GMA na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Lumipat si Ogie sa TV5 noong 2013.

Isa ba siya sa nag-encourage kay Janno na lumipat na rin sa TV5?

“Hindi, nagulat na lang din ako, e!” natawang sabi ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Narinig ko na lang and… well, tinawagan niya ako last week.

“Sabi niya, ‘Pare, narinig mo na ba?’

“Sabi ko, ‘Oo nga, e.’

“E, ako naman, I wish him well.

"And siyempre, I feel good meron akong kaedad!

“At alam mo ‘yon… matagal ko nang kasama.

“So, masaya. I’m very very excited. I’m excited for him.

“At maganda… maganda itong change na ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REGINE, TO FOLLOW? Ang misis niyang si Regine Velasquez, may posibilidad din bang maging Kapatid kagaya niya at ni Janno?

Sagot ni Ogie, “I cannot speak for her.

“And hindi ako nakikialam sa mga desisyon niya pagdating sa kanyang career.

“Suportahan lang kami.”

Nangiti naman si Ogie nang matanong kung inaasam ba nilang masundan pa ang anak nilang si Nathan.

“We’ve been trying!

“Of course, lagi naman kaming nagta-try, kaso wala pa.

“Siguro sabi ni Lord, ‘Okey na kayo.’

“E, kami naman, kung ano ang ibigay sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN