Ken Chan hints at Kristoffer Martin-Joyce Ching reconciliation

Ken Chan prefers a non-showbiz girlfriend: "Ang natutunan ko dito sa industriya, mas masarap kung ang magiging nobya mo ay non-showbiz. Yun din kasi ang turo ng parents ko, lalo na ang papa ko. Sabi niya, ‘Kung gusto mong mag-girlfriend, okay, malaki ka na, you know your limitations. Pero as parents, we want you to find someone who’s not in line with showbiz.’ Mas madaling dalhin ang ganun."


Isa si Ken Chan sa magiging masaya kung sakali mang magkabalikan ang mga kaibigan niyang sina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Silang tatlo ay magkakasama ngayon sa bagong afternoon soap ng GMA Network na Healing Hearts, na magsisimulang ipalabas sa May 11.

Ayon kay Ken, hangad niyang manumbalik ang pag-iibigan ng dalawa.

“Natutuwa ako sa kanila, kasi hindi lang sila sweet on cam, pati off cam.

“Sa totoo lang, ang alam ko, sila… ang alam ko ay sila ulit.

“Lagi ko nga silang tinutukso, e.

“Sabi ko, ‘Last na 'yan, ha? Tama na, bagay kayong dalawa.’ Ginaganun ko sila.”

Ibig bang sabihin nito ay sina Kristoffer at Joyce na ulit?

Ayon kay Ken, “That, I dont know. Pero ang alam ko, sila na.

“Happy ako dahil nakakatulong sa show 'yan, e.

“Wala namang… tinanong ko sila, 'Kayong dalawa na ba?'

“Tumatawa lang sila, e, ano ang ibig sabihin nun, ‘di ba?”

Wala nga raw aminang nangyayari sa dalawa, at nirerespeto ito ni Ken.

“Siyempre, bilang magkakaibigan, may mga pinag-uusapan na private na yun.

“Pero yun po, they're happy, walang masama.

“Matagal sila, na naging sila, 'tapos yung breakup nila, matagal din yun.

“Alam mo, sa tingin ko, sa lahat ng relationship na nakita ko dito sa showbiz, ang isa sa mga hinahangaan ko, yung relationship ng dalawa, nina Kristoffer at ni Joyce, kasi napaka-mature.

“Sobrang mature nilang mag-isip, and I think, mahal talaga nila ang isa't isa.

“Nakikita ko yun.”

Sa tingin niya, sino ang mas nagmamahal sa dalawa?

Tugon ng Kapuso talent, “Hindi ko alam, siguro they meet halfway.

“Basta, if ever man na nagkabalikan sila, happy ako for them.”

Pero sa hiwalay na panayam ng PEP kina Joyce at Kristoffer, itinanggi nila na nagkabalikan na sila.

Ginu-goodtime lang daw nila si Ken nang minsang magkabiruan sila sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, pinaniwala nila itong silang dalawa na ulit, pero ang totoo ay hindi pa raw.

HEALING HEART. Sa parte naman ni Ken, tinukso namin siya kung naghilom na ba nang tuluyan ang sakit na naramdaman niya noong magkabalikan sina Jake Vargas at Bea Binene.

Matatandaang naugnay si Ken kay Bea noong panahong nag-cool off ang relationship ng young actress kay Jake.

Nakatawang tugon ni Ken, “Oo naman, healed na healed na!

“Oo na, okay na siya, okay naman ako.

“Okay na rin ako, kasi kailangan natin ng inspirasyon.


“Open naman ang puso ko para umibig, ang sarap kayang umibig, ‘di ba?

“Everyone needs that.”

Ano ang take niya sa tuluyang paghihiwalay nina Jake at Bea?

Saad ng 20-year-old actor, “Ako, bilang kaibigan, at Tween Hearts kami, ang masasabi ko sa relasyong ganun, siguro ay hindi pa sila ready sa isa't isa.

“Wala naman akong karapatan na magsabi na hindi mature ang love nila, ano?

“Pero sana, kung on and off, on and off, ibig sabihin, ‘di ba?

“Siguro, busy sila sa kanya-kanyang trabaho, at hindi natin sila masisisi.”

Bakit hindi ituloy ang naudlot niyang panliligaw kay Bea?

Ayon kay Ken, “Me at saka si Bea, talagang magkaibigan kami, hanggang dun lang talaga.

“E, siguro mas okay kami kung ganun lang, at mas maa-appreciate naman yung aming friendship."

Diin pa niya, “Wala na, wala na talaga. Talagang magkatrabaho kami.

"And for me, ha, ang natutunan ko dito sa industriya, mas masarap kung ang magiging nobya mo ay non-showbiz.

“Yun din kasi ang turo ng parents ko, lalo na ang papa ko.

“Sabi niya, ‘Kung gusto mong mag-girlfriend, okay, malaki ka na, you know your limitations. Pero as parents, we want you to find someone who's not in line with showbiz.’

“Mas madaling dalhin ang ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN