Derek Ramsay stays with TV5; signs another three-year contract

Derek Ramsay’s thought in case TV5 does not renew his network contract: “I was already prepared na to the next chapter of my life. I’ll just go on and find business and leave television.”


Hindi pa man tapos ang kontrata niya sa TV5, nakahanda na raw si Derek Ramsay na mag-renew ng network contract kung sakaling i-extend ito ng management.

At tulad ng inaasahan, pumirma nga si Derek ng panibagong three-year contact sa Kapatid network.

Ginanap ang kanyang contract signing kaninang tanghali, April 28, kung saan dumalo rin sina TV5 president Noel Lorenzana at chief entertainment content officer Wilma Galvante.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters pagkatapos ng contract signing, nabanggit ni Derek na hindi niya naisip na pumunta sa ibang TV network.

Aniya, “Hindi pa tapos ang contract ko, I just waited for the network to tell me if they wanted to renew me.

“Na-shock nga ako na they wanted me for another three years.”

Sa katunayan, handa na rin daw si Derek kung sakaling hindi siya i-renew ng TV5.

“Sinabi ko naman sa inyo, I was already prepared na to the next chapter of my life.

“I'll just go on and find business and leave television.

“I was already thinking about something like that. Parang I'm curious about getting into construction.

“But TV5 still wants me here, and the three years have been really, really successful.”

Sa unang tatlong taon ni Derek sa TV5, nagawa niya ang mga sumusunod na programa: The Amazing Race Philippines, Kidlat, Undercover, For Love or Money, at Bawat Sandali.

Sa susunod na tatlong taon niya sa Kapatid network, asahan daw ang paggawa na rin ni Derek ng pelikulang ipo-produce ng network.


DEMANDS FOR NEW CONTRACT. Dahil sa panibagong kontrata, may mga espesyal bang hiniling si Derek mula sa TV5?

Sagot niya, “You know what, I told you, very, very happy ako sa TV5.

"I did not demand anything for my new contract, same."

Hindi rin daw ito nabago nang manalo siya bilang Best Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival para sa pelikulang English Only, Please.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng actor-TV host, “Everyone's saying na after I won best actor, 'Naku, magde-demand na 'yan.'

“I don't see the need for it.

“I'm still the same Derek before I won best actor.”

Gayunman, inamin ni Derek, “There were little clauses about scheduling, because I know that in the next three years, I'm going to be really, really busy.

“So, there are some clauses that we fixed about scheduling para makita ko rin yung schedule ko sa TV5 at outside TV5.”

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghu-host ni Derek ng adventure-reality program na Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To? at pag-arte sa weekly sitcom na Mac and Chiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN