Ogie Alcasid denies influencing Janno Gibbs to transfer to TV5

Ogie Alcasid on Janno Gibbs’s transfer to TV5: "Positive siya kasi nagpaalam naman siya nang maganda. Binigyan siya ng blessing ng GMA. Ganun din naman kami. Winelcome din naman siya nang maganda and pagka ganun, ‘di ba, bakit naman magiging negative?"


Itinanggi ni Ogie Alcasid na siya ang nagkumbinsi o naging instrumento kung bakit nagdesisyon ang kaibigan na si Janno Gibbs na iwanan ang GMA Network at lumipat sa TV5.

Matagal nagkasama sina Ogie at Janno sa bakuran ng Kapuso network, kung saan ginawa nila ang musical-variety shows na SOP, Party Pilipinas, at Sunday All Stars.

Ayon kay Ogie, ikinagulat niya ang desisyon ni Janno na umalis ng GMA.

“Hindi ko nga alam actually, nagulat na lang ako. Totoo yun, narinig ko na lang.”

Hindi sila nag-usap ni Janno?

“Hindi. In fact, tinawagan na lang niya ako, two, three days ago.

“’Pare…’ sabi ko, ‘narinig ko nga.’

“Kaya sabi ko, okey yun, a. At least, may kasama na akong kaedad ko.

“At, you know, working with Janno, para kaming magkapatid talaga niyan. Para kami ni Bitoy [Michael V].

“It would be nice to work with him again.

“Nostalgic ako,” saad niya.

Ang alam daw ni Ogie, hindi pa pumipirma si Janno sa TV5, pero nakipag-meeting na ito.

Nabanggit din ni Ogie ang pagsasamahan nilang show ni Janno sa TV5, ang No Harm, No Foul, na pinaghalo raw “game, musical, at variety show.”

Kuwento pa niya, “Mineet kami nung isang araw. But initial meeting pa lang naman.

“May inilatag silang show for us. Maganda naman.

“And hintayin ko na lang kung ano ang latest development.”

ADVICE TO JANNO. Unang beses na lumipat ng network ni Janno. May mga payo ba siyang ibinigay rito?

“Wala naman, ang sabi ko lang, just pray.

“Kasi ganun naman, para maging maganda ang kahit anong bagay sa pag-transfer mo, ipag-pray mo and I will pray for you.

“Wala naman, ganun lang kasimple yun.”

Sabi pa ni Ogie tungkol sa paglipat ni Janno, “Positive siya kasi nagpaalam naman siya nang maganda.

“Binigyan siya ng blessing ng GMA. Ganun din naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Winelcome din naman siya nang maganda and pagka ganun, ‘di ba, bakit naman magiging negative?

“I’m very, very excited.

"Pero siyempre, alam mo naman, it’s always the Lord’s will that we have to follow.

“Mahirap pangunahan ang mga pangyayaring ‘yan.

“While I’m very excited about it, e, it’s really God’s will.”

STILL WELCOME AT GMA. Dahil maayos ang naging pagpapaalam nina Ogie at Janno sa GMA, kung saan nagtrabaho sila ng maraming taon, welcome pa rin naman daw sila sa Kapuso network.

Ayon kay Ogie, “Yun naman din ang sinasabi sa akin ni Mr. [Felipe] Gozon. Kahit na kapag nagkikita kami sa mga party.

“Naalala ko, sa party ni Heart [Evangelista] at Senator Chiz [Escudero], nagkita kami.

“’O, kumusta na ang paborito kong inaanak?’ Ninong ko kasi siya sa kasal.

“He always says, ‘Wala kaming naging problema sa inyo. You’re welcome to come back here.’

“So, masarap makarinig ng ganun, ‘di ba? Wala tayong bad blood.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN