Vice Ganda: No truth in rumored feud with Kris Aquino

Vice Ganda on happiness: “Alam niyo, masaya naman ako palagi. Nalulungkot ako kasi normal ako. Nabuburyong ako, nabubuwisit ako, tumatalak ako. Pero sa totality, masaya talaga ako.”


Muling nilinaw ni Vice Ganda ang tungkol sa diumano’y away nila ng kaibigang si Kris Aquino.

Nagtataka raw ang comedian-TV host na bigla silang nagkaroon ng isyu ni Kris.

Sabi ni Vice, “Saan ba kasi ‘yan galing? Sino ang source?

"Kasi sa source pa lang, malalaman na natin kung totoo o hindi."

Saad pa niya, “Unang-una, bago ako umalis ng Pilipinas [papuntang Amerika], si Kris ang kasama ko.

“Pagdating ko dito sa Pilipinas, si Kris ang dapat na sasalubong sa akin, kaso hindi natuloy.

“Nalaman ko lang nang tumawag sa akin si IC [Mendoza], ‘Uy, ano ang isyu niyo?’

“Sabi ko, ‘Saan?’ ‘Kayo ni Kris.’

“Sabi ko, ‘Anong isyu namin ni Kris?’

“Tungkol daw sa T-shirt… ‘nag-aagawan daw kayo sa T-shirt.’

“Ano ba ‘yan, ang cheap-cheap!

“Wala kaming pinag-usapang ganyan.

“Wala kaming dapat klaruhin, as in wala.”

T-SHIRT & WEBSITE. Ang sinasabi kasing dahilan ng alitan nila ay inunahan daw ni Kris si Vice sa paglalabas ng statement shirts at website, samantalang si Vice naman daw ang unang nakaisip nito.

Ngunit pahayag ni Vice, “Ano ba, ang dami-daming nagpapalabas ng T-shirt at saka ng websites!

“Ang dami-raming artistang nagpapalabas ng websites.

“Kung meron man nagpalabas ng isyu na ‘yan, nadamay lang ako.”

Pero nauna nga ba siyang nakaisip maglabas ng statement T-shirt?

Sagot niya, “Hindi ko kasi alam kung kailan siya nakaisip nun.

“Ang alam ko, idea ko yun. Pero hindi ko rin alam kung kailan.

“At saka, wala na rin naman akong pakialam kung maglabas siya.”

Hindi siya na-offend?

“Hindi, ano ba!

“Si Amy Perez, naglabas na dati. Si Tado, may ganyan.

“Websites, ang dami-rami nang may websites… si Anne Curtis, may website.”

Naglabas na rin naman daw siya ng statement T-shirt, pero ang ABS-CBN na raw ang bahala sa marketing nito.

“Naisip ko, ‘Sige, kesa maaburido ako, bayaran niyo na lang ako.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sila na. Matagal nang out ‘yan.”

Diin pa ni Vice, “At saka, sinabi ko na ‘yan, once and for all, na wala kaming away.

“Tanungin niyo pa si Kris, pareho kami ng isasagot.”

Bilang patunay nga nito, kasama pa ni Vice ang anak ni Kris na si Bimby na nanood ng concert ni Alex Gonzaga sa Smart-Araneta Coliseum noong April 26.

COCO’S WEALTH. Samantala, iniintriga rin si Vice na kesyo sinabi raw niyang mas mayaman si Coco Martin kesa sa kanya para maalerto ang Bureau of Internal Revenue (BIR).

Paglilinaw ng It’s Showtime host, “Ay, hindi ko naman iwi-wish yun.

“Kung nasabi ko man yun, baka naghaharutan lang kaming dalawa.

“Alam niyo naman ang mga tao, may masabi lang, may magmukha lang masama, may mapag-away lang kahit wala naman.”

Pero sino ba talaga ang mas mayaman sa kanila ni Coco?

Sagot ni Vice, “Feeling ko, siya.

“Ang laki ng bahay niya, e. At saka ang mahal ng laman.

“Ang dami niyang endorsements, ha!”

Sa kaso naman ni Vice, bukod sa ilang business tulad ng resto-bar na Valkyrie, ang kinukunsidera niyang investment ay ang kanyang bahay.

“Ngayon talaga, meron akong kinakarir na bahay.

“Meron kasi akong ipinapagawa at habang ipinapagawa ko yun, meron akong nilipatang isang bahay, pero nire-rent ko lang, hindi sa akin.

“Yung bahay na yun na binili ko, yung tinitirhan kong townhouse, kailangan kong ipa-renovate.

“E, yung ipinapagawa kong isa, hindi pa tapos.”

Sa La Vista raw ang bahay na pinapagawa niya.

HAPPY VICE. Masaya ba ngayon si Vice?

Sagot niya, “Alam niyo, masaya naman ako palagi.

“Nalulungkot ako kasi normal ako.

“Nabuburyong ako, nabubuwisit ako, tumatalak ako.

“Pero sa totality, masaya talaga ako.”

Hindi ba siya napapagod?

“Meron naman, pero may chance naman akong magpahinga.

“Kaya nga ako gimik nang gimik, kasi ayokong masabi sa sarili ko na itong buong araw na ito, hindi ko na-enjoy, trinabaho ko lang. Puro sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya may oras na makikipagharutan ako sa mga bakla.

“Pupunta ako sa Valkyrie, magbo-boy watching ako. Ino-normalize ko sarili ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN