Rhian Ramos admits big pressure of replacing Marian Rivera in The Rich Man’s Daughter

Rhian Ramos on replacing Marian Rivera in The Rich Man’s Daughter: "Hindi naman po ako magsisinungaling. Talaga naman pong malaking pressure. Kasi, nasimulan na rin at talagang ibinalita na. Marami na rin silang natapos na mga eksena and maraming nag-aabang kay YanYan."


Aminado si Rhian Ramos na malaking pressure para sa kanya ang palitan si Marian Rivera sa upcoming GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter.

Bagamat nakapag-taping na si Marian at may scheduled airing na ang Rich Man’s Daughter, nagdesisyon ang Kapuso Primetime Queen na mag-withdraw sa proyekto para na rin sa kapakanan ng kanyang ipinagbubuntis.

Kasalukuyang nagdadalantao si Marian sa una nilang anak ng mister niyang si Dingdong Dantes.

At si Rhian nga ang napili ng GMA management na pumalit sa coveted role ni Marian.

Read: Rhian Ramos will replace Marian Rivera in The Rich Man's Daughter

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian pagkatapos ng PEPtalk shoot kahapon, April 28, sa GMA Network Center, hindi niya itinanggi ang nararamdamang pressure.

Saad ng Kapuso actress, “Well, hindi naman po ako magsisinungaling. Talaga naman pong malaking pressure.

“Kasi, nasimulan na rin at talagang ibinalita na.

“Marami na rin silang natapos na mga eksena and maraming nag-aabang kay YanYan.”

Saan siya pinaka napi-pressure?

Tugon ni Rhian, “Well, yung project kasi, malaki siyang project and maganda.

“Siguro dahil nasanay na ako na kapag pumapasok ako sa project, ang dami kong ginagawang preparation.

“Kaya yung biglaan akong pumasok, doon siguro ako nahirapan.”

Ayon kay Rhian, nakapag-taping na siya ng ilang episodes at nakapag-pictorial na rin siya. Kaya kahit paano ay palagay na rin ang loob niya sa ginagawa.

“Siyempre, may mga times pa rin na sa tingin ko, you know… kinakabahan or may nababasa akong, ‘Paano ko kaya ita-tackle ‘to?’

“Ang dami ko pang kakausapin. Ang dami-dami ko pang mga tanong na hindi ko nga alam kung naiinis na sa akin yung mga kasama ko sa set!” tawa niya.

“Pero yun na nga, it’s important kasi for me to do it right.

“And that’s how I treat naman anything that I say yes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TALKING TO MARIAN. Nagkausap ba sila ni Marian bago niya simulan ang The Rich Man’s Daughter?

Ayon kay Rhian, “Yeah, nag-text ako sa kanya.

“Noong nag-text ako sa kanya, it was the day that I’m going to start, so wala pang nakakaalam.

“Pero may isa kasing nagtanong na at humingi ng interview.

“E, hindi talaga ako kumportable noong time na yun, kasi hindi ko pa nga siya [Marian] nakakausap.

“And sa tingin ko, if there’s one thing that I want to talk to first, it would be her, because it’s her role.

“I already knew that it was important to her and just wanted her to know, I guess, that I’m gonna take over and I’ll take care of it.”

Nag-reply naman daw sa text niya si Marian.

“It’s because I congratulated her also on her pregnancy, and I told her that I hope she has a healthy and safe and comfortable pregnancy.

“You know, she thanked me on that.

“The note about the show, I talked about the show also and her sentiment was for me to take care of it.”

Ang karakter na gagampanan ni Rhian sa The Rich Man’s Daughter ay isang babaeng may boyfriend (Luis Alandy) pero magkakaroon ng pagtingin sa kapwa niya babae (Glaiza de Castro).

Kung sakaling magkaroon sila ng intimate scenes ni Glaiza, nakahanda na siya?

Sagot ni Rhian, “Although I doubt it because of the restrictions of the MTRCB on television, but if ever the rules on that have changed, I see this as any other role na kapag sinabi nilang bubugbugin ka, okey.

“It’s an honor for me to be given a role na mahihirapan ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN