Erich Gonzales to Daniel Matsunaga: “Thank God I Found You!”

Wala pa man silang direktang pag-amin, halatang may espesyal nang namamagitan kina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Kasalukuyang nasa Hong Kong ang dalawa kung saan magkasama silang nagbakasyon.


Nananatiling tahimik sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ngunit kung pagbabasehan ang mga larawang ipinu-post nila sa kani-kanilang Instagram accounts ay walang dudang malalim na ang pagtitinginan ng dalawang Kapamilya stars.

Read: Rumored couple Daniel Matsunaga and Erich Gonzales post sweet photos on Instagram

Ngunit kasabay ng balitang may namamagitan na kina Erich at Daniel ay ang usap-usapan sa ilang tabloids at blind items na nagkaroon diumano ng overlap sa relasyon ng aktres sa Brazilian-Japanese model-actor at sa non-showbiz boyfriend niya.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon ni Erich at ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Read: Kris Aquino confirms Erich Gonzales's breakup with non-showbiz BF; Erich dating Daniel Matsunaga?

Kaugnay nito ay nag-tweet si Daniel noong April 23, kung saan sinabi niyang ikinalulungkot niya ang mga balitang nakakarating sa kanya.

SPARTAN BABY. Kamakailan ay magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong sina Erich at Daniel.

Panay rin ang posts nila sa Instagram ng kanilang sweet moments together, na ikinakilig naman ng #DanRich fanatics.

Sa isang post ni Daniel last April 27, tinawag pa nga niya si Erich na "#spartanbaby."

Workout with the #spartanbaby

A photo posted by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) onApr 27, 2015 at 7:30am PDT

Kahapon, April 28, muling tinawag ng Pinoy Big Brother All In Big Winner "#spartanbaby" si Erich.

Bye bye hong kong!! #happiestspartan with #spartanbaby :)))))))

A photo posted by Daniel Kenji Matsunaga (@dandanmatsunaga) onApr 28, 2015 at 2:17am PDT


"THANK GOD I FOUND YOU." Kahapon din, nag-post si Erich sa kanyang Instagram page, kung saan naglagay siya ng hashtag na "#roadthatneverends."

Aniya, “Every second with you is an adventure ♥️ #roadthatneverends

Every second with you is an adventure ♥️ #roadthatneverends

A photo posted by Erich Gonzales (@erichgg) onApr 28, 2015 at 2:35am PDT

Halos isang oras pa lamang ang nakalilipas, bandang alas 6:30 ngayong gabi, April 29, isang photo collage ang ipinost ni Erich kung saan ang isa sa mga litrato ay may hugis-puso ng pinagsamang kamay nilang dalawa.

May hasgtag itong ‘TGIFY’ na ang ibig sabihin ay "Thank God I Found You."

Caption pa ng aktres: “You make me laugh like no one can ♥️ #TGIFY

You make me laugh like no one can ♥️ #TGIFY

A photo posted by Erich Gonzales (@erichgg) onApr 29, 2015 at 3:14am PDT

Umabot kaagad sa 13,000 ang likes nito at mayroon nang 600 comments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN