Luis Alandy happy about Marian Rivera’s pregnancy; reacts to Rhian Ramos replacing Marian in The Rich Man’s Daughter

Luis Alandy on Marian Rivera’s withdrawal from The Rich Man’s Daughter: “I think they had a meeting na kung itutuloy yung show, I think eight weeks na lang yata. Si Marian ang nag-give way na, ‘No, ituloy niyo yung story kasi maganda.’ So, she was very gracious. She was very selfless to think na, ‘Hindi, buo na kayo, e. Kaya niyo naman.’ Ang bait talaga ni Marian. Sobrang wala akong masabi.”


Inamin ni Luis Alandy na medyo kinabahan siya nang una niyang malaman na hindi na matutuloy si Marian Rivera bilang Jade sa The Rich Man’s Daughter dahil sa pagbubuntis ng Kapuso Primetime Queen.

Matatandaang nakapagsimula nang mag-taping si Marian noong March 11, hanggang sa nagdesisyon siyang umatras sa naturang primetime teleserye ng GMA Network noong April 17 dahil sa maselan niyang kalagayan.

Read: Marian Rivera withdraws from The Rich Man's Daughter

Bunsod nito ay kinailangang mag-reshoot ang cast ng kanilang advanced episodes, dahil napagpasyahan ng GMA management na si Rhian Ramos na ang papalit sa role ni Marian.

Pahayag ni Luis, “Honestly, nung una, medyo ‘di namin alam kung anong plano.

“They met us to tell us na hindi na gagawin ni Marian, pero hindi nila sinabi sa amin na we have to reshoot everything.

“It’s part of our job as actors.

“Of course, we need to understand yung side naman ni Marian.

“Yung pregnancy niya is medyo complicated, so she needed to look after her health and her family, which is more important.

“Sa amin, as actors, kung anong i-require sa amin, kailangan naming gawin yun.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis pagkatapos ng PEPtalk shoot para sa The Rich Man’s Daughter, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Center noong Martes, April 28.


HAPPY ABOUT MARIAN’S PREGNANCY. Hindi pa man nagsisimula ang taping ng The Rich Man’s Daughter ay naging bukas si Luis sa pagsasabi kung gaano siya ka-excited na makapareha si Marian sa kauna-unahang pagkakataon.

Nagkausap ba sila ni Marian pagkatapos magbitiw ng aktres sa show?

Sagot ni Luis, “Yes, nag-usap kami.

“Sabi niya sa akin, 'Promise, next time.'

"After daw niya [manganak], gagawa ulit kami ng project together.

“Sabi ko, ‘Just take your time. Enjoy your family.’ Huwag naman siyang ma-pressure because of this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabi ko rin na, ‘Sana maka-work talaga kita ulit.’

"Sabi ko nga sa Instagram post ko, I’ve been praying for this and it felt surreal to be paired with her.

“She personally chose me to be her leading man so nakakatuwa rin naman talaga.”

Ayon pa kay Luis, nananatiling buo ang suporta ni Marian sa The Rich Man’s Daughter kahit hindi na siya ang gaganap na bida rito.

Mas gusto rin umano ni Marian na palitan na lang siya kaysa tuloy pa rin siyang mag-taping, ngunit sandali lang eere ang programa dahil sa pagdadalantao niya.

Kuwento ni Luis, “You know what, ito hindi alam ng ibang tao, when she messaged us sa group namin...

“I think they had a meeting na kung itutuloy yung show, I think eight weeks na lang yata.

“Si Marian ang nag-give way na, ‘No, ituloy niyo yung story kasi maganda.’

“So, she was very gracious.

"She was very selfless to think na, ‘Hindi, buo na kayo, e. Kaya niyo naman.’

“Ang bait talaga ni Marian. Sobrang wala akong masabi.”

WELCOMING RHIAN AS THE NEW JADE. Sa kabilang banda, inihayag ni Luis ang kanyang pagsuporta kay Rhian Ramos na siyang pumalit kay Marian sa The Rich Man’s Daughter.


Sa katunayan, nag-post si Luis at co-star na si Glaiza de Castro sa kani-kanilang Instagram accounts ng bagong cast pictorial kasama si Rhian.

Sabi ni Luis, “We’re on this project together, we’re committed to this.

"Kailangan talaga maging supportive kami sa isa’t isa.

“Hindi yung nag-dwell kami na hindi magagawa ni Marian. We accepted the fact na ganun.

“At kung sinong pumalit sa kanya, we needed to make her feel welcome.

"Kasi mahirap din yun, e, bigla na lang siya papasok.

“I think we're almost done with our first week of taping sa story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Luis na kabado rin si Rhian dahil mataas ang expectations ng ibang tao, lalo pa’t si Marian ang pinalitan nito sa nasabing proyekto.

Patuloy na paliwanag ni Luis, “Yun nga, nung pumalit si Rhian, we need to make her feel comfortable.

“Kasi yung pressure sa kanya na it’s a big shoe to fill in yung kay Marian.

“Kahit hindi naman niya sabihin sa amin, yun talaga yung I think mararamdaman ng isang tao na, 'Well, this project is for Marian,' tapos ikaw yung papalit.

“Pero we wanted her to feel na, 'You know, let’s work as a team. This is for a show, for us, this is for GMA also.'”

Tinanong din ng PEP si Luis kung umaasa ba siyang mapantayan ng The Rich Man’s Daughter ang tagumpay ng teleseryeng My Husband’s Lover, na tinalakay rin ang tungkol sa gender equality noong 2013.

Sagot ni Luis, “We’re hoping na if not mapantayan or malampasan, basta we’re hoping for a good response.

“Ini-expect namin yun nung si Marian, tinanggap niya.

"Ngayon, siyempre to be honest, iba-iba ang iisipin ng tao, iba-iba ang take ng tao sa pagpapalit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN