Xian Lim says birthday letter to Kim Chiu came from his heart

Does Xian Lim loves Kim Chiu? He answered: “Oo naman, parati ko naman ipinapakita ang aking pagmamahal. In all my efforts, in my all... yun nga, yung sinasabi ko ngang foundation, siyempre may kasama yung pagmamahal. Parang walang laman kung walang pagmamahal, parating kasama yun.”


Marami ang naka-appreciate sa sulat na ipinost ni Xian Lim sa kanyang Instagram account, isang araw matapos ang 25th birthday ng onscreen partner at rumored girlfriend niyang si Kim Chiu.

Bukod sa mahaba ito, ikinuwento ni Xian ang ilang detalye kung paano sila nagtagpo, naging magkatrabaho, naging close, hanggang sa maging espesyal si Kim sa kanyang buhay.

Maging si Kim mismo ay inaming sobrang na-touch sa ginawa ni Xian, kung kaya't agad niyang tinawagan ang aktor para magpasalamat.

Read: Kim Chiu refuses to reveal real score with Xian Lim: "Sa amin na lang po yun!"

Sa pictorial ni Xian para sa Gibi Shoes na ginanap sa Sara Black Photography Studio, sa Pasong Tamo, Makati City, kahapon, April 29, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang Star Magic talent.

Inusisa namin ang naging paraan niya para batiin si Kim sa kaarawan nito, at kung bakit sinariwa niya ang kanilang pagsisimula bilang espesyal na magkaibigan.

Paliwanag ng 25-year-old actor, “Ikuwento lang, last message ko sa kanya, 2011 pa.

“I mean, nagbibigay naman ako sa kanya ng notes.

“Actually, yung message ko nung 2011, binasa ko ang comments. Papasikat pa lang nun ang Instagram.

“Nung basa ko, andaming... siyempre andiyan yung mga sumusuporta, andiyan naman ang good comments, na natutuwa sila.

“Ginawa ko naman yun galing talaga sa puso ko.

“Pero siyempre, at the same time, ang sabi ng mga tao, ‘Hayan na naman.’

“Balik na naman dun sa old issue. Gimik na naman daw, nanggagamit.”

Patuloy ni Xian, “Isinulat ko sa papel, tapos piniktyuran ko. Tapos, ang daming...

“Sinabi ko lang na I'm very thankful, I'm very grateful sa lahat ng nangyari, but it's also... birthday kasi niya.

“Ang dami rin kasi naming pinagdaanan, nakakatuwa nga lang talagang isipin yung before.

“Hindi naman namin akalain na kami ang magiging loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko naman ini-expect na parang aabot sa ibang bansa ang sumusuporta sa amin.

“’Di ba, ngayon, usung-uso ang social media? Eveyone's entitled to their opinion.

“So, talagang ready naman sila, hindi naman yung makipag-away, kundi to defend.”

MR. RIGHT. Sa bagong album naman ni Kim, inamin ng Kapamilya actress na ang kanta niyang “Mr. Right” ay inihahandog niya kay Xian.

Ano ang reaksiyon dito ni Xian?

Nakangiting tugon ng binata, “Napakinggan niyo ba yung kanta?

“Nakakatuwa… siyempre naman, ‘di ba?

“Ang ipinapakita ko lang naman sa kanya ay yung totoong ako, ayoko namang...

“Pangit naman kasi yung mga sugarcoated, may mga palabok, pangit naman yun kasi.

“Kumbaga, kung ano ang ipinapakita ko sa mga kasama ko ay kung ano talaga ako, yung totoo.”

Dagdag pa niya, “Nakakatuwa, like nang matanong nga siya, nakakatuwa na... baka ako na nga ang sabi niyang Mr. Right.

“Feeling ko naman, na kung nasasabi nilang ako si Mr. Right, feel na feel ko naman.

“Basta kami, ayaw din naming magpadikta sa mga supporters.

“Hindi naman porke't sinabi nila na, ‘O, dapat kayo na,’ e, kayo na.

“Hindi naman dapat.”

MISS RIGHT. Sa kabilang banda, sa tingin ba ni Xian ay si Kim na ang "Ms. Right" para sa kanya?

Nakangiting reaksiyon niya, “Sabi ko nga, naunahan ako, dapat gumawa muna ako ng ‘Ms. Right.’ Ikaw na ba ang Ms. Right?”

Dagdag ni Xian, “Oo naman, she has all... I always say this, she has the characteristics of an ideal girlfriend.”

Nakikita na rin ba niya si Kim bilang future “Mrs. Lim”?

Nagulat na reaksiyon ni Xian, “Wow, grabe naman yung tanong, grabe namang pag-fast forward!

“Hindi ba puwedeng Ms. Right muna?”

Diretsahang tanong: Mahal ba niya si Kim?

Diretsahan ding sagot ni Xian, “Oo naman, parati ko naman ipinapakita ang aking pagmamahal.

“In all my efforts, in my all... yun nga, yung sinasabi ko ngang foundation, siyempre may kasama yung pagmamahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang walang laman kung walang pagmamahal, parating kasama yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN