Miguel Tanfelix admits that he loves Bianca Umali... as a friend

Hindi pa masagot ni Miguel Tanfelix ang tanong kung in love ba siya sa ka-loveteam niyang si Bianca Umali. Paliwanag ng Kapuso teen actor, “Kasi po, ang salita pong love, sagrado yun. Hindi mo puwedeng sabihin na love ko na siya, siya ang magsasabi nun, yung puso mo.”


Mas nananaig daw ang kasiyahan sa teen actor na si Miguel Tanfelix ngayong magtatapos na ang pinagbibidahan nilang GMA primetime series ng ka-loveteam na si Bianca Umali, ang Once Upon A Kiss.

Nakatakdang magwakas ang nasabing teleserye ngayong Biyernes, May 1.

Sabi ni Miguel tungkol sa pagwawakas ng Once Upon A Kiss, “Masarap po siya sa pakiramdam.

“’Di ba, nakikilala ka, yung mga pinagpuyatan mo, yung mga pinaghirapan mo, yung mga struggles mo, mga pressures mo, nari-release kahit paano kapag naririnig mo ang sigaw ng mga audience.”

Saan siya pinaka kinikilig?

“Kinikilig ako sa mga simpleng tweet lang nila, ‘Hi Miguel, fan mo ako.’ Yung ganun lang.

“Kasi, kumbaga, may nag-a-admire na rin sa akin.

“Kung dati konti lang, ngayon may mga nakakakilala na.”

Nararamdaman niyang sikat na siya?

Sagot ng 16-year-old actor, “Hindi ko po siya inilalagay sa utak ko. Siguro po, nakikilala lang po.”

WHAT’S NEXT? Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel kung nakakaramdam din ba siya ng pressure kapag may mga bagong bini-buildup na stars ang GMA Network.

Gaya na lamang nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, na mga bida sa papalit na teleserye sa Once Upon A Kiss, ang Let The Love Begin.

Saad ni Miguel, “Wala naman pong kaso sa akin kung may bagong artista, kung papalitan ako.

“Basta ako, gusto ko po ang ginagawa ko. Bakit ako magpapaapekto sa mga tao sa paligid ko?

“Ang sa akin kasi, basta ginagawa mo ang gusto mo, ipinapakita mo kung ano ka talaga.

“Huwag kang magpaapekto sa pressure kasi hadlang lang talaga sa work mo.”

Sa kaso naman nina Miguel at Bianca, ngayong tapos na ang Once Upon A Kiss, dalawang bagay ang posibleng mangyari sa kanilang loveteam—masundan ito ng isa pang teleserye o itambal sila sa iba.

Okey lang ba kay Miguel kung ipareha sila sa iba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng Kapuso young actor, “Nasa network na po kasi yun.”

Kung siya ang masusunod?

Sabi ni Miguel, “Mami-miss ko po siya.

“Enjoy ako, e. Kapag nagwu-work ako, at alam kong si Bianca ang makakasama ko sa work, mas ginaganahan akong gumising sa umaga.”

Bakit may ganung dating si Bianca sa kanya?

“Siyempre, kaibigan mo, iniisip mo, ang dami na naman naming pag-uusapang topic.

“Tatawa na naman kami. Kakain na naman kami.”

Sabi ni Bianca, si Miguel lang ang nakakagpatawa sa kanya. Ano ba ang ginagawa niya?

Sagot ni Miguel, “Ewan ko po, ako po kasi, mahilig akong magpasaya ng mga tao.

“Pero ewan ko po diyan, natatawa sa akin, hindi naman ako clown!”

IN LOVE? Isang direktang tanong: In love ba siya kay Bianca?

Sagot ni Miguel, “Kaibigan ko siya… love ko po siya as a friend.

“Kung meron man akong love na maramdaman, siguro hindi pa po ito ang right time.

“Kasi ako po, balak ko pong maging piloto.”

Bakit hindi pa niya masagot kung in love siya sa kabila ng pagiging sobrang sweet at thoughtful niya kay Bianca?

Paliwanag ng teen actor, “Kasi po, ang salita pong love, sagrado yun.

“Hindi mo puwedeng sabihin na love ko na siya, siya ang magsasabi nun, yung puso mo.”

Kung ang isip niya ang magsasabi?

“Ako po kasi, crush ko si Bianca.

“Matagal ko na po siyang crush. Ang ganda-ganda ni Bianca, sweet pa...

“Sabi niya sa akin, bukas magbi-bake daw siya para sa akin.”

Isa raw sa dapat abangan sa pagtatapos ng Once Upon A Kiss ay ang “kiss” nina Miguel at Bianca.

Totoo ba ang kiss?

“Kung ano po ang mapanood niyo!” natawang sabi ni Miguel.

Pero pag-amin niya, “Pero kinabahan ako noong malaman ko na may kissing scene kami.”

Kapag magka-holding hands sila, ano ang nararamdaman niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinikilig po ako!” bulalas ni Miguel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN