Sophie Albert understands boyfriend Vin Abrenica’s tampo with TV5

Sophie Albert on her own sentiment about TV5: "To be completely 100 percent honest, you know, I joined Artista Academy for the promise that they gave us. And since then, I haven’t really felt that promise. I haven’t done anything, I haven’t gotten a teleserye for a long time. There were two years that I was 100 percent vacant."


Naiintindihan daw ng TV5 Talent Center artist na si Sophie Albert ang kanyang real-life boyfriend at ka-loveteam na si Vin Abrenica sa ginawa nitong pagbulalas ng tampo sa TV5 management.

Ito ay kaugnay sa isyu ng diumano’y mas nabibigyan ng magagandang oportunidad ng network ang kasabayan nitong si Mark Neumann.

Read: Vin Abrenica admits tampo with TV5 for prioritizing Mark Neumann over him

Sina Sophie at Vin ang itinanghal na grand winners sa artista search ng TV5 noon na Artista Academy (AA), habang kabilang sa runners-up si Mark at ang ka-loveteam nitong si Shaira Mae.

Bukod sa ilang beses nang naging bida sa Wattpad Presents sina Mark at Shaira, kabilang na ang special episode na The Magic In You na kinunan pa sa Hong Kong Disneyland, inanunsiyo rin kamakailan ng TV5 ang pagiging bida nina Mark at Shaira sa Pinoy adaptation ng hit Koreanovela na The Baker King.

Read: Mark Neumann and Shaira Mae to topbill Philippine adaptation of The Baker King

Saad ni Sophie, “Hindi na ako na-surprise [sa sinabi ni Vin] kasi napag-uusapan naman namin iyan na bakit nga kaya ganun.

“Like ako, ever since natapos ako ng AA, and after Never Say Goodbye [teleserye with Vin], yun naman palagi yung sinasabi ko sa kanya na, ‘Bakit wala pa? Bakit ang tagal? Bakit sinabi nila ganito, pero hindi pa nangyayari?’

“Alam mo yun, yung mga ganun. So, alam naming pareho.

“But kami ni Vin naman, lagi naman kaming honest, e.

“Sa lahat ng sinasagot namin, lagi naman kaming honest.

“Walang plastikan kasi wala naman kaming makukuha doon.

“So, I’m not surprised that he said that.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sophie sa presscon ng balik-tambalan nila ni Vin, ang Wattpad Presents Marry You, na mapapanood sa Mayo 4 hanggang Mayo 8, 9 P.M. sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ang presscon nitong Abril 30 sa Café Juanita, sa Kapitolyo, Pasig City.

Ayon kay Sophie, may nakarating daw kasi sa kanilang bali-balita noon na umano’y mapupunta ang title role ng The Baker King kay Vin.

“Actually, dati ang narinig namin, yung Baker King, kay Vin.

“Yun ang narinig namin dati pa, sabay pa yun nung PLL [Pretty Little Liars]. I’m just being honest.

“So, yun narinig namin na kay Vin, so ini-expect niya na sa kanya iyon. But, hindi.”

NOTHING AGAINST MARK & SHAIRA. Kung si Vin ay nagtatampo sa TV5, siya ba ay nakakaramdam din ng ganun kaugnay ng takbo ng kanyang career?

Sagot ni Sophie, “Well, you know, to be completely 100 percent honest, you know, I joined Artista Academy for the promise that they gave us.

“And since then, I haven’t really felt that promise.

“I haven’t done anything, I haven’t gotten a teleserye for a long time.

“There were two years that I was 100 percent vacant.

“But like Vin, wala akong problem with Shaira, wala rin akong problem kay Mark.

“And I also don’t have a problem with TV5 because, again, it’s a company, and they chose who they want to choose.

“And they chose who they think they’re gonna earn money from.”

Naniniwala si Sophie na may ibang oportunidad pa ring darating sa kanya.

“You know, I really believe that God has plans for me.

“Whether it’s here, whether it’s somewhere else, whether it’s a different career.

“Whatever it is, I know He still has plans for me.

“So, if it doesn’t work out, there’s always gonna be something else for me.”

TOGETHER AGAIN. Masaya lang si Sophie na balik-tambalan sila ni Vin at magkakatrabaho ulit sila sa Wattpad Presents Marry You.

Pagkatapos kasi nilang gawin ang Wattpad Presents Fake Fiancé noong isang taon ay pansamantala silang pinaghiwalay at ipinareha sa ibang artista sa sumunod na ginawa nilang Wattpad episodes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng Kapatid actress, “I’m just happy that we’re doing a project together again.

“It’s like home when we’re together, so I’m happy that we did it again.”

Na-miss niya ba ang paggawa nila ng proyekto na magkasama?

Sagot ni Sophie, “Oo naman, na-miss ko yung magkasama kami on the set, magkasama kami sa mga eksena, and working with him.

“Kasi nga, he’s my biggest critic, so I enjoy working with him.”

Wish niya bang sana hindi na pinaghiwalay ang loveteam nila ni Vin, katulad ng loveteam nina Mark at Shaira Mae na tuluy-tuloy ang paggawa ng projects together?

“Well, you know, TV5 knows what they’re doing.

“Whatever it is, they know what they’re doing. I just leave it up to them.

“If they want to put us together or separate us, do whatever they want with us, as long as I have work, I am happy, I’m okay.”

May pressure ba sa muli nilang pagtatambal ni Vin?

“Of course, there is pressure because we had Fake Fiancé, ‘di ba?

“And with Fake Fiancé, parang we want to do something better than that.

“And we always want to do something new and have the opportunity to work together again.

“And I think we achieve the best chemistry together.

“I don’t know if other people think that, but I believe so.

“We really just try our best all the time.”

Nagpapasalamat pa rin naman si Sophie sa TV5 na binibigyan pa rin sila ng proyekto.

“Of course, thankful pa rin kami sa TV5 na may ginagawa kami.

“It’s just that we want something new and something more challenging siguro.

“Sabi ko nga, as long as may trabaho, happy na rin ako.”

HUSBAND MATERIAL. Bagama’t nagkakataong ang mga istoryang napupunta kina Sophie at Vin sa Wattpad Presents ay may kinalaman sa marriage, malayo pa raw mangyari ito sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Priority pa rin daw nila ang kanilang career at patunayang may maa-achieve sila sa showbiz.

Pero sa presscon, inamin ni Sophie na para sa kanya ay husband material naman si Vin.

“Siyempre, to be with someone, kailangan nakikita ko na yung sarili ko with him for the rest of my life.”

Sa tinatakbo ba ng relasyon nila ngayon, wish niya bang sila na ni Vin ang mag-end up sa isa’t isa?

Saad ni Sophie, “Oo, sana nga, kasi I feel that we’re very good together.

“Our relationship is very healthy, thinking na nasa showbiz kami at naipapareha kami sa iba’t ibang artista.

“But, you know, it’s healthy.

“It’s not suffocating, hindi kami nag-i-struggle, hindi kami yung choice between career or relationship.

“It’s easy, and I think that’s how relationship should be.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN