Iñigo Pascual protective of his loveteam with Julia Barretto

The loveteams of Iñigo Pascual-Julia Barretto and James Reid-Nadine Lustre are together in one movie. Iñigo is not worried despite JaDine’s popularity, "Hindi naman yung pressure na because there are two love teams... it’s a movie and you wanna do your best all the time.”



Aminado si Iñigo Pascual na may nararamdaman siyang pressure sa bagong pelikula nila ng ka-loveteam niya na si Julia Barretto.

Ito ay ang Para sa Hopeless Romantic ng Star Cinema at Viva Films kung saan bida rin ang popular na tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.

Bago pa lang ang tandem nila ni Julia habang ilang beses na rin naman napatunayan nina Nadine at James na kaya nilang magdala ng pelikula.

“There’s pressure all the time… kapag meron namang new project.

“Pero hindi naman yung pressure na because there are two love teams.

“It’s a pressure because it’s a movie and you wanna do your best all the time,” ayon kay Iñigo nang makausap namin sa presscon ng pelikula nila sa Dolphy Theater.



UNLABELED. Naging kapansin-pansin naman ang closeness nilang dalawa ni Julia.

Tila may something sa pagitan nila, pero ayaw lang nilang aminin at wala lang sa timing.

Ang depensa naman ni Iñigo sa sweetness nila ni Julia, “Yung partner mo, kailangan you have to trust her.

“You can’t have any fight. I mean, it’s part of it, you’ll get through that.

“Pero kailangan kayong dalawa na magwu-work together… to help each other, not ruin each other.”

Anong label ng closeness meron sila?

“That’s what cool about our relationship, parang hindi nilalagyan ng label.”

Kung lalagyan ng label?

“JulNigo status,” natawa niyang sabi.

Hindi ba sila nag-uusap, hindi niya tinatanong si Julia?

“We’re so comfortable with each other.”

TIME WILL TELL. Puwedeng more than friends na sila, “Tadhana lang ang makakapagsabi,” natatawa niyang sabi.

“You can’t say that, right now, we don’t know what will happen.

“Right now, we’re focusing on our career and our friendship.

“Well, my studies and siya, ‘tapos na siya with her studies, konti...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We’re so happy and we enjoy each other’s company.”

Kung may manligaw kay Julia, “As a friend, of course, I will support Julia kung anuman ang desisyon niya.”

Hindi siya magseselos?

“As partner, we’re super close, we bond already, siyempre, nandoon yung selos.

“Matatakot ka na baka mag-iba yung relationship, yung friendship, at mailang kayo sa isa’t isa.

“Pero, you know, you wanna be that person who wants to lift her up.

“You don’t wanna be that person to make her feel bad and make her feel small.”

GF MATERIAL. Ayon naman kay Iñigo, para sa kanya ay girlfriend material raw si Julia.

“Definitely, who wouldn’t want someone you can trust with everything?

“Someone who accepts you, hindi ka kakabahan kahit anong side mo, kahit galit.

“The thing about Julia is that we’re so much alike. We know how to deal with each other.

“Kapag sad siya, I know how to cheer her up, at saka hindi kami naaasar sa isa’t isa.

“Kapag nag-away kami, we know how to stop each other right away.

“Hindi naman yung totoong away. We don’t fight.”



REACTION ON KC'S COMMENT. Naitanong din namin ang reaction ni Iñigo sa naging comment ni KC Concepcion sa kanya sa ASAP 20 na tipong napalaki siya nang maayos ng magulang.

Read: KC Concepcion compliments son of ex-boyfriend Piolo Pascual: "Pinalaki ka nang maayos."

“Wala naman po, I mean, I’m not taking it personally.

“I mean, I’m not gonna give any negative feeling in my heart.

“Yes, the best way to do that is think about it as positive thing, positive comment.

“I’m happy that we’re okay, it shouldn’t be a big deal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN