Bianca Umali not saying goodbye to loveteam with Miguel Tanfelix

Orphaned at an early age, Bianca Umali, at 15 has an adult view of life: "Sa hirap po to survive every day without parents guiding you, hinahayaan ko lang po talaga yung mga dumating sa akin na dumating... namnamin mo ang araw-araw ng buhay mo."


Natapos na kagabi, May 1, ang huling episode ng primetime series na Once Upon A Kiss na pinagbidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Dahil nagtapos na nga ito at bakasyon pa rin sila sa klase, babawi muna raw sa pahinga si Bianca sa mga araw na wala siyang taping.

Hindi pa rin daw niya alam kung ano ang susunod niyang teleserye.

Pero ang tanong: si Miguel pa rin kaya ang magiging kapareha niya?

“Hindi ko po alam,” nakangiti niyang sabi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving pocket presscon ng teleserye nila.

Hindi rin daw alam ni Bianca kung may plano ang network na pagtambalin muli sila ni Miguel.

“Hindi namin alam kasi hindi rin naman po kami nakakasama sa mga meetings nila.”

Pag-amin niya, gusto niyang si Miguel pa rin ang ka-loveteam, “Sana po, kasi masaya naman pong katrabaho talaga si Miguel.”

Masaya siya sa loveteam nila?

“Opo, sobra,” ang mabilis niyang sagot.

Nasasabi nila sa isa’t isa na sana nga, sila pa rin ang i-loveteam ng GMA-7?

“Opo, nasasabi po namin na sana, kaming dalawa pa rin. Pero, depende pa rin po ‘yan.

“Alam naman po namin na magkakatrabaho at magkakatrabaho pa rin kami.

“Hindi man siguro sa next project, pero depende po kung kaming dalawa pa rin.”

NOT THREATENED. Sa Lunes, May 4, ang bagong primetime series na ng Kapuso network ang papalit sa kanila, ang Let The Love Begin na pagbibidahan naman nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

Hindi ba siya nate-threaten kapag may bagong bini-build-up ang network?

“Hindi po, friends naman kaming lahat dito and we all know na fair po ang tingin ng GMA.

“There’s no reason naman po para ma-threaten sa ibang loveteam na bini-build-up.”

Puwede niyang sabihin na lamang na ang loveteam nila ni Miguel dahil dalawang beses na rin silang nakapagbida sa primetime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko po iniisip yun,” natatawang sabi niya.

IN THE MOMENT. Maganda at sa edad niyang 15, si Bianca ay napupuri na mahusay umarte.

Bukod sa loveteam nila ni Miguel, saan niya pa gustong makita ang career niya?

“Hindi ko po kasi iniisip ang ganyan, I just go with the flow of everything and of my everyday life po.

“Si Papa Jesus po siguro ang may alam kung saan papunta ang career ko.”

Wala ba sa isipan o plano niya yung magkaroon ng Best Actress award din?

“Hindi po, hinahayaan ko lang po talaga yung mga dumating sa akin na dumating.”

Ayon kay Bianca, siya raw yung klase ng tao na, “living one day at a time."

Aniya, “Ayoko po kasing madaliin. Siguro po, sometimes nagpa-plan, but not all the time.

“Kasi na-realize ko rin po na hindi rin maganda yung pangungunahan mo ang mga pangyayari.

“It’s nice na namnamin mo ang araw-araw ng buhay mo. Hindi mo alam, any time, it will end.

SURVIVOR. Bilang maagang naulila sa mga magulang, aminado si Bianca na naging matatag daw siya sa pagharap sa buhay.

Sabi nga niya, “Honestly, yes po... sa hirap po to survive every day without parents guiding you.

"Unlike your other friends na nakikita mong kasama ang pamilya nila, masakit, pero tanggap ko naman na.

“And may reason rin naman kung bakit sila nagpunta ng Heaven.

"I will see them naman again, I’m sure of that, in a very, very far future.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN