Are Daniel Matsunaga and Erich Gonzales officially an item?

Daniel Matsunaga posted a photo on his Instagram account with a Bisaya caption which says, "Dahil sa ’yo, mas nagkaroon ng meaning ang buhay ko. Salamat sa Panginoon dahil binigay ka niya sa akin. Isa kang blessing na dumating. Nami-miss na kita. Mahal kita."


Are Daniel Matsunaga and Erich Gonzales officially an item?

Ito ang tanong tungkol sa estado ng relasyon nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Kapansin-pansin sa kanilang Instagram posts ang mga larawan nila na nagpapakitang sweet na sweet sila sa isa't isa at may mga caption pa na nagpapahayag ng kanilang damdamin.

Nagsimula ang tambalang DanRich sa primetime series na Two Wives at nagpatuloy sa morning show na Kris TV kung saan sila madalas i-guest ng tinaguriang "Kapamilya Queen of Talk" na si Kris Aquino.

Ngunit mailap pa noon si Erich sa mga pagbibigay ng sagot tungkol sa kanila ni Daniel dahil "in a relationship" siya nung mga panahong iyon.

Matapos naman ang pag-amin ni Erich tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang non-showbiz boyfriend, doon na nakita ang pagiging sweet at mas malapit niya kay Daniel.

Kanina lamang sa Instagram ni Daniel na kasalukuyang nasa Boracay ay nag-post ito ng kanyang pagka-miss sa aktres.

Nag-post si Daniel ng photo collage nila ni Erich na may bisaya caption na agad naman ding nai-translate ng DanRich fans.

Sabi sa caption ni Daniel, “Tungod sa imo, mas naa nay meaning ang akong kinabuhi. Salamat sa Ginoo kay gihatag ka Niya sa ako. Blessing jud ka nga ni abot. Gimingaw nako sa imo #spartanbaby @erichgg. Gihigugma tika :***.”

Sa Tagalog, ang ibig sabihin nito ay, "Dahil sa 'yo, mas nagkaroon ng meaning ang buhay ko. Salamat sa Panginoon dahil binigay ka niya sa akin. Isa kang blessing na dumating. Nami-miss na kita. Mahal kita."

Dahil dito ay mas tumibay ang mga haka-haka ng DanRich fans na sila na nga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN