Chynna Ortaleza optimistic that Rhian Ramos can do justice to Marian Rivera’s role in The Rich Man’s Daughter

Chynna Ortaleza feels that Rhian Ramos can do justice to the role that Marian Rivera gave up for The Rich Man’s Daughter because of her pregnancy: “So after nun, maku-compare at maku-compare mo talaga. Pero feeling ko naman, capable actor naman si Rhian and she’s intelligent. So I know she will bring something refreshing to the table as well.”


Nang hindi raw matuloy ang nakatakdang press conference para sa bagong primetime series ng GMA-7 na The Rich Man’s Daughter, napaisip daw ang ilang miyembro ng cast na may maaaring maging pagbabago sa show.

Ikinagulat din daw nilang lahat nang sabihan sila na kailangan nilang ulitin lahat ng mga nagawa na nila mula sa mga nai-tape na nila, nai-photo shoot at plug shoot.

Ayon kay Chynna Ortaleza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via mobile phone kahapon, May 1, “Nagulat nga kami. Siyempre lahat kami hoping na sana, hindi na baguhin yung pinaghirapan ng lahat for the past two weeks.

“Eventually, nung mag-text ang E.P. [executive producer] namin, lahat naman kami may panghihinayang. Pero wala na, yun ang nangyari.

“Maybe the project is meant to go on this way. Ang automatic na lang talaga, nag-usap kami ni Glaiza [de Castro].

“Siyempre, magkaibigan naman talaga kami nun. 'Okey, project natin lahat ‘to, kailangan nating mag-start from scratch,' at saka, isu-support namin si Rhian [Ramos] dito.”

Sabi nga ni Chynna, kung kahit siya raw siguro ang nasa posisyon ni Rhian, nakakaloka raw siguro ang pinagdaanan nito.

“Sabi nga namin, susuportahan na lang natin si Rhian. Gagawin natin ang series the way it's supposed to be.

“Sabi naman ng staff, parang history repeat itself.

“Kasi, 'di ba, sa My Beloved, noong pumutok yung isyu kay Rhian, si YanYan ang pumalit sa kanya?

“Nagkabaligtad lang. Kaya sabi ko, para talaga siyang circle. Umiikot lang ang mga pangyayari sa mundo.”

NOT FAIR TO COMPARE RHIAN TO MARIAN. Ang isa sa puwedeng mangyari ay ang mapagkumpara nilang mga co-stars ang orihinal na gaganap sana bilang si Jade na si Marian at ang humalili rito na si Rhian.

Naiiwasan ba niya itong gawin o talagang napagkukumpara nila sina Marian at Rhian?

Paliwanag niya, “Siyempre sa beginning, you can’t help because you saw how it went. Yung parang vibes noong feeling na, 'Okey, we’re doing this scene with Marian.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But it’s done na, e.

“There was a decision that was made so you have to be positive about new things din naman.

“So after nun, maku-compare at maku-compare mo talaga. Pero feeling ko naman, capable actor naman si Rhian and she’s intelligent. So I know she will bring something refreshing to the table as well.

“So hindi mo na siya puwedeng, 'Ah okey, ikukumpara natin sa last na ginawa natin.' Original na niya yun, sa kanya na yun.”

MARIAN REACHES OUT. Si Marian din naman daw ang nagsabi sa kanila na hindi na nga ito ang gaganap sa naumpisahang karakter na Jade sa pamamagitan ng Viber group nila.

Ayon kay Chynna, “Nag-Viber siya sa amin early in the morning, the day after na magpe-presscon na sana.

“The day itself na kinansel nila ang presscon, everybody’s preparing na kasi, alam namin we have presscon and PEPtalk.

“Pero noong sinabi nila na we have to fix something, alam ko na. Parang, 'Ah okey... ‘eto na yun, may desisyon nang mangyayari.'

“Either retain or either mare-replace. Huwag naman sanang ma-shelve yung show, yun lang naman ang sa akin.”

Ano ang naging Viber message sa kanila ni Marian?

Lahad niya, “Yun nga, since ni-reveal niya sa amin na she’s pregnant, sinabi niya na, 'Kailangan kong sabihin sa inyo na hindi na ako makakapag-taping.'

“Pero in-encourage niya kami na yun nga, sensitive ang situation niya, pero susuportahan niya kami... na kaya namin.

“Maganda naman talaga ang story at project.

“'Tapos 'ayun. nag-reply kami na, 'Yan, okey lang.' Siyempre, yung health at safety ng baby niya ang primary concern.

“'Tapos sinabi niya rin na iniisip niya rin yung mga tao, yung involved sa project na maaapektuhan kung sakali man na hindi na niya kayang i-fulfill.

“So sabi namin sa kanya, 'Okey lang yun, well-being mo ang priority at saka, happy kami dahil iba naman talaga ang journey ng pagiging Mommy.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos sabi namin sa kanya, 'Kapag medyo nakahinga-hinga na kami rito at medyo stable ka na, bibisita kami sa ‘yo.'”

Dugtong pa ni Chynna, “Maganda talaga yung nabuo naming relationship. Walang bad vibes sa set.

“Early on, napi-feel mo na maganda ang vibes ng set. Magiging isang pamilya kami rito, yung ganun.

“'Tapos noong isang araw, noong nag-taping kami, nag-message siya na alam niyang nagti-taping kami, 'Sana maging maayos lahat diyan,' yung ganun.

“Kasi, feeling ko talaga, mahal niya ang project.

“At hindi siya makaka-deliver that way kung hindi niya mahal ang project and ano talaga siya rito, I hope one day, maipakita niya sa lahat either in TV or movie on how she attacks a sexually-challenged role because she’s very good at it.”

BOY'S CUT. Natawa naman si Chynna sa nalaman niyang naging concern ng karamihan tungkol sa kanyang “boy's cut” na hairstyle at ang panghihinayang para sa kanya kung sakaling hindi nga itinuloy ang serye dahil sa pagback-out in Marian.

Sabi niya, “E, wala naman sa akin yun. Wala akong pakialam sa buhok ko, sa totoo lang.”

Natatawang sabi pa niya, “I understand why people reacted that way or it’s a big deal if they change their hair.

“But for me, it’s not actually a big deal. If I cut it shorter, if I make it long or I’ll color red or if I’ll go bald.

“More of my concern, 'Oh, God, if ever the show won’t run, sayang naman, ibigay mo na sa akin.'

“Alam mo yung tama ang pakiramdam ko ever since na bagay sa akin ang ganitong role.

“Yun lang ang concern ko na sana matuloy pa rin ito. Kung na-shelve siya at hinihintay nila si Yan, sana matuloy ito eventually kasi excited na excited akong gampanan ang Batchi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENJOYING HER “POGI” LOOK. Pero pinag-uusapan ang bago niyang looks.

Tinatawag nga siya ng iba na “pogi.”

“Masaya lang,” natatawa niyang sabi.

“Hindi ko naman alam na mapopogian sa akin ang mga tao. Sabi ko nga sa Mama ko, 'Ah, ganito pala ang pakiramdam ng matinee idol.'

“At saka yung mga babae, 'Ah ganito pala ang feeling.'

“Mas appreciative pala ang mga babae kesa sa lalaki.

“Ang lalaki kasi, ang appreciation lang, sexy ‘yan. Pero ang babae, ipaparamdam talaga sa ‘yo na kinikilig. 'Ang pogi mo!'

“New world siya,” pag-amin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN