Gladys Reyes impressed with Let The Love Begin lead stars Gabbi Garcia and Ruru Madrid: “Marespeto.”

Gladys Reyes on Let The Love Begin lead stars Gabbi Garcia and Ruru Madrid: “Pero sina Gabbi at Ruru, ano talaga sila, kasi siguro yung iba, baka nahihiya na bumati agad. Pero itong sina Gabbi at Ruru, lalo na si Ruru, ka-church ko ‘yan. Na-meet ko na siya before.”


Gaya ng nakaraang mga roles kung saan siya nakilala, isang kontrabida pa rin ang gagampanan ni Gladys Reyes sa pinakabagong primetime series ng GMA-7 na magsisimula sa Lunes, May 4—ang Let The Love Begin.

Ngayon nga lang, nararanasan daw niya ang maging isang radio DJ bilang si Katy Fairy.

Kuwento ni Gladys tungkol sa kanyang role sa bagong serye, “Star DJ kasi ako, Diva-divahan ako.

“Feeling ko, nagri-rate pa talaga ang show ko, pero hindi na. Hanggang pumasok si Ai-Ai delas Alas.

“Dati kasi, siya talaga ang Star DJ, nawala siya hanggang sa hinanap siya ni Mark Anthony Fernandez, na-starstruck pa nga siya sa akin, pero ako, hindi ko matanggap. Kaya kontrabida 'ko sa kanya sa radio.”

CAST REPLACEMENTS. Nakumpirma rin ni Gladys na dapat nga raw, may Regine Velasquez sa orihinal na cast, pero hindi ito natuloy.

Ang papel ba ni Donita Rose ang kay Regine?

“Hindi, yung kay Gardo Versoza.

“Dalawang babae dapat, napalitan ng Ariel Rivera, so yung role ni Gardo, dapat Ariel yun. Hindi pumuwede,” kuwento niya.

LONG BREAK FROM SOAPS. Natuwa raw talaga si Gladys na nakasama sila sa bagong serye na ito ng Kapuso network bukod sa matagal din daw siyang nabakante dahil ang huli pa niya ay ang Kambal Sirena.

Pag-alala niya, “Ang huli ko pa, Kambal Sirena. Ang tagal ko rin namang ginawa ng Everyday Happy.

“Natapos kami, December. Since January lang naman ako napahinga. Pero sa soap, parang magwa-one year na rin.

“At saka meron din naman akong Moments sa Net 25.”

DONITA'S WISH COMES TRUE. Nakadagdag pa raw sa tuwa niya nang malaman niyang magkakasama rin silang muli ni Donita Rose.

“Nang malaman kong magkakasama kami ni Donita Rose at yung role pa niya kontrabida and eventually, magku-connive kami.

“E, sinasabi niya sa akin, hindi pa raw siya nakakapagkontrabida kaya natuwa ako nang malaman ko na yun ang role niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wish niya yun sa Everyday Happy pa, nag-aaktingan kami.

“Kaya wish granted talaga kay D. Ako naman, gusto ko yung role ko, animated, may pagka-comedy yung pagka-kontrabida pero, hindi nagpapatawa na kontrabida.

“So it’s something new for me,” masaya niyang pahayag.

HAPPY WORKING WITH AI-AI AGAIN. Ikalawang beses naman na raw ni Gladys na maka-trabaho si Ai-Ai sa telebisyon. Una raw sa Wacko Wacko noon sa ABS-CBN, pero bihira lang daw silang magka-eksena noon.

Natatawa niyang lahad, “Alam niyo, noong pictorial pa lang, hindi kami mameyk-apan kasi, chika na kami ng chika.

“Parang sabi niya, 'O, at least bakla, matagal na tayong magkaka-trabaho ngayon.'

“Nakakatuwa si Sancho [Vito], ang role niya, parang magka-connive kami. Yes Master siya ng Yes Master hanggang sa huli, mari-realize niya na ang masamang ugali pala ako.

“At least, I get to work with Sancho rin na first time niya ‘to. Since nag-sign siya ng contract.”

IMPRESSED WITH RURU AND GABBI. Pinuri rin ni Gladys ang mga bida ng Let The Love Begin na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.

“Marespeto,” saad ni Gladys.

“Siguro naano na rin sila, na-brief na rin siguro.”

Biro namin kay Gladys, baka sinabihan na dapat magbigay-pugay sa kanya ang mga ito.

“Hindi naman!” natatawang sagot agad niya.

“Pero sina Gabbi at Ruru, ano talaga sila, kasi siguro yung iba, baka nahihiya na bumati agad. Pero itong sina Gabbi at Ruru, lalo na si Ruru, ka-church ko ‘yan. Na-meet ko na siya before.

“Alam na alam din niyang Iglesia Ni Cristo ako kaya siguro, parang alam mo yun, kapag may nakita kang kababayan mo, parang alam na alam mo na agad.”

Dugtong pa niya, “Si Gabbi naman, ang ganda!

“Gandang-ganda 'ko kay Gabbi.

“Sabi ko nga sa kanya, 'Sali ka sa Binibining Pilipinas.'

“Seventeen lang, e. Balingkinitan, ang ganda ng mukha. Morena, ang ganda ng buhok. Total na package siya. Magandang umarte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos si Ruru, noong gumanap ‘yan sa stage play namin na Sugo, sa Philippine Arena, nagulat ako. Hindi ko alam na ganoon karami ang followers niya. Ang dami niyang fans.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN