Barbie Forteza and Enzo Pineda chosen as Haribon Foundation’s new ambassadors

Haribon Foundation Chief Operating Officer Maria Belinda dela Paz explains why they chose Barbie Forteza (left) and Enzo Pineda (right) as their new ambassadors: “Both teen stars advocate for a healthy living and sustainable environment, and we are hoping that they serve as good examples to inspire our youth.”


Pinili ng Haribon Foundation ang mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza at Enzo Pineda bilang kanilang mga bagong ambassadors.

Ginawa ang official announcement noong April 25 sa College of Science Auditorium sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Bilang mga ambassadors ay magiging aktibo sina Barbie at Enzo sa pag-engganyo sa mga kabataan na alagaan at respetuhin ang environment.

Tinatag noong 1972 ang Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources Inc. na isang nature conservation organization sa Pilipinas. Ito rin ay isang bird-watching society.

Kasama na rin sa pinoprotektahan ng Haribon Foundation ay ang marine sanctuaries na sinimulan ng foundation noong 1995.

ROLE MODELS FOR THE YOUTH. Ayon sa Haribon Foundation Chief Operating Officer Maria Belinda dela Paz, napili nila ang dalawang Kapuso stars dahil sa magandang imahe nila sa kabataan at ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.

“Both teen stars advocate for a healthy living and sustainable environment, and we are hoping that they serve as good examples to inspire our youth,” pahayag pa ni Dela Paz.

Masaya ang bida ng top-rating afternoon teleserye na The Half Sisters dahil sa pagkakapili sa kanya ng Haribon.

Isang paraan nga raw ito para mas ma-inform ang maraming kabataan sa kahalagahan ng pag-ingat sa ating mga natural resources.

“I’m thankful to Haribon for giving me the chance to be an advocate para sa mga teens na kagaya ko na maging part ng environmental conservation.

“Para sa akin, napakalaking responsibility nito at gagawin ko ang lahat on behalf of the organization para ma-influence ang mga kabataan,” ngiti pa ni Barbie.

Samantala, si Enzo na isang nature lover din, ay masayang-masaya sa pagkakapili sa kanya bilang ambassador ng Haribon, dahil makakatulong siya na ma-educate ang maraming kabataan tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga ng environment.

“I feel honored to be chosen as one of the ambassadors of Haribon. I love nature and I love our country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's truly more fun in the Philippines because we have a lot to be proud as we live in a mega-diverse country.

“I have a lot to learn and I'm excited to help and spread the value of conserving our environment,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN