Donita Rose: "Ako ang naging number one sa FHM Sexiest pero naka-leather pants ako and turtleneck. Kaya mo yun?"

IMAGE Noel Orsal

Donita Rose recounts how her past FHM shoots raised some eyebrows: "Well, actually it became an issue. Like parang, they were asking me and I said no. And then I said, 'I will only agree if you would allow me to wear what I want.'"


Apat na beses na palang naging cover girl ng men’s magazine na FHM si Donita Rose.

Sabi niya, “I’ve done FHM before, in the past. Dalaga pa ako nun.”

Unang FHM cover ni Donita ay para sa Singapore edition.

“Then Malaysia, then Thailand, and then Philippines,” dagdag niya.

Pero ngayon daw, kung sakaling may offer muli sa kanyang mag-pose bilang isang hot mama, hindi na raw papayag si Donita.

Aniya, “I don’t need it, you know.

“I’m not putting those ladies down. It’s just my own personal conviction na, I don’t wanna say anything kasi baka [ma-misinterpret].”

Ayon sa kuwento ni Donita, “The first FHM cover that I did was in Singapore, iyon yung bagung-bago pa lang ang FHM.”

Hindi pa masyadong sexy ang concept?

“Ganun,” at napangiti si Donita.

“And then I also did Malaysia, and Thailand, pero because it was for MTV.”

Dating video jock or VJ ng MTV Asia si Donita.

SEXY WITHOUT SKIN. Hindi raw sexy ang suot niya sa mga FHM pictorials niya noon.

“Turtleneck nga e,” at tumawa si Donita.

“Wala, walang sexy sa akin.”

Never daw siyang nagsuot ng two-piece swimsuit sa tatlong FHM pictorials niya. Pero sa kabila noon…

“Ako ang naging number one sa FHM Sexiest pero naka-leather pants ako and turtleneck.

“Kaya mo yun?” at tumawa si Donita.

Ganun pala dati sa FHM?

Sabi pa niya, “Well, actually it became an issue.

“Like parang, they were asking me, and I said no. And then I said, ‘I will only agree if you will allow me to wear what I want.’”

Siya lang ba ang nakagawa noon, na hindi daring ang suot?

“Kahit na, even after that, medyo na-vindicate ako, because ang lalaki bibili ng FHM para…”

Para makakita ng mga babaeng seksi ang suot; pero si Donita, kahit hindi sexy ang suot ay marami pa rin ang bumili ng issue na siya ang nasa cover.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, eere na ngayong Lunes, May 4, ang Let The Love Begin, kung saan gaganap si Donita bilang si Celeste.

GMA comeback ito ni Ai-Ai delas Alas na gaganap naman bilang si Jeni.

Bida naman dito sina Ruru Madrid na gaganap bilang si Erick, at Gabbi Garcia bilang si Pia.

Kasama rin sa show sina Ms. Gina Pareño bilang si Lola Tacing, Gardo Versoza bilang si Tony, Gladys Reyes bilang si DJ Kay Fairy, Neil Ryan Sese bilang Simply Jay Zee, Noel Trinidad bilang si Manong Milton, at si Mark Anthony Fernandez bilang si Jom.

Nasa Let The Love Begin rin ang mga Kapuso young stars na sina Phytos Ramirez bilang si Uno, Abel Estanislao bilang si Makoy, Nomer Limatog bilang si Jules, AR Angel Aviles bilang si Elsa, at si Rita Daniela bilang si Luchie.

Ito ay sa direksyon ni Miss Gina Alajar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN